Chapter 27: traitor

239 17 0
                                    





Dena's Point Of View 


Bago pa man siya tuluyang makaalis, hinabol ko siya.


"P-pwede ko ba bantayan si Vers?"Tanong ko sa kaniya at tinignan niya ako. 


"You can glance at her, but never try to approach her."Sagot niya at tumango naman ako. 


"Thank you, Rai.."I sighed as I watched him go away.


Sa ngayon, kailangan ko alamin kung si Yelena ba talaga ang tunay kong anak at si Rai ang aking asawa. Susubukan ko din maalala lahat ng nangyari upang malaman kung sino talaga ang may pakana lahat nang nangyari sa akin at sa anak ko. May pakiramdam ako na iisang tao lang ang gumawa nito, dahil siya lang naman ang may kayang gumawa nito--maliban sa mga kasamahan niya. 


Bago pa lang naman ako sa kanilang grupo kaya wala akong dapat pagkatiwalaan sa kanila maliban kay Amaya, siya lang ang nakikitaan ko ng potensiyal na makakatulong sa mag ama at sa akin din. Aaminin ko na nasaktan ko din siya dahil sa pagiging sakim ko na mahanap ang nawawala kong anak. 


Kung susumahin, ilang taon din ako nakalibing at laking pasasalamat ko na ako pa rin ay buhay. Siguro marami pa akong misyon na dapat tapusin at isa na din doon ang mahanap ang anak ko--nahanap ko naman na siya ngunit kailangan ko lang siguraduhin kung siya ba talaga. Hindi ako pwede mang agaw ng iba dahil alam ko ang pakiramdam na walang anak, nakakabaliw ito. 


If only I could travel back in time , when everything was normal. Without a doubt, I would return and keep my daughter again. I'll do anything to be with her even if it means sacrificing my life. 


I need her to make me feel alive..



Vers's Point Of View 


Tapos na ang klase! Wohoo! Nakakapagod din lalo na ang Defense at Potion Class, mas mahirap pa pala ito kaysa sa Mathematics. Buti na lang wala kaming subject na Math, kung hindi maiiyak na lang talaga ako ng sobra. 


"Babye! See you tomorrow!"Paalam ko kila sa Riley at kumaway naman sila lahat, pumasok na ako sa loob."Nakauwi na po ako!"Sambit ko habang naglalakad, hmm bakit wala si Papa dito? At si Nanay Cleofe naman--ay nasa School nga pala siya hahaha! 


"Ako lang ang mag isa dito! Ahhh, ako ang reyna ng kastilyo!"Sigaw ko habang umiikot, mabilis akong dumiretso ng kwarto at naligo. 


Nagsuot ako ng bestida na kulay rosas, medyo mahaba ito kaya dahan dahan akong tumatakbo sa hallway. Habang kumakanta, sumasayaw din ako na parang tanga. Hanggang sa makaabot ako sa Balkonahe ng kastilyo, bumungad sa akin ang sariwang hangin! 


"Ang bango bango! Ang bango bango ng bulaklak!"Kanta ko habang umiikot at kasabay nun ang pagtaas ng bestida ko dahil sa hangin, hindi naman ako nakikitaan dito dahil mahaba ang bestida ko at tsaka wala namang tao.

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon