Chapter 36: start

207 13 0
                                    





Vers's Point Of View 


Nag wa-warm na ang Vers niyo dito! Simula na ang training namin ni Grandpa, naka suot ako ng itim na sando at pants--ang comfortable niya at nakakakilos ako ng maayos. Nandito din si Grandma ngunit nasa malayo siyang parte, si Ross naman nasa gilid ni Grandpa. 


"Apo, ang ating makakamit sa training na ito ay ang pag gamit mo ng kapangyarihan na apoy.."Sabi ni Grandpa at napanganga naman ako. 


Nasa apoy agad tayo! 


"Huwag ka mag alala dahil si Raiden din ay nagsimula sa baba, wala din siyang kapangyarihan noon at mahigit taon ang lumipas bago niya nakamit ang kapangyarihan na ito.."Napangiwi naman ako, taon? Hala paano iyan baka umabot sa akin ng sampung taon eh ang binigay lang na buwan para mag training sa amin ay apat lang. 


"Huwag ka panghinaan ng loob! Kakaiba kang bata ka, nararamdaman namin iyon.."Sabi naman ni Grandpa at tumango naman ako."Ngunit, hindi muna tayo doon mag fo-focus, palalakasin muna natin ang kapangyarihan na nakuha mo sa iyong Ina--kung makikita mo may malaking galon ng mainit na tubig dito--mahigit sampu ang galon na nandito. Hanggang sa matapos ang June ito lang ang pa-praktisin mo, ang tibay ng nilalabas na yelo sa mga kamay at paa mo."


"Ilulubog ko po ang kamay ko diyan at gagawin kong ice?"Tanong ko at umiling naman sila. 


"Ilulubog mo ang iyong katawan diyan--."

"Grandpa! Baka sobrang init po niyan!"Pag angal ko at tumawa naman si Grandpa. 


"Hindi iyan, subukan mo lang.."Sabi niya at tumango naman ako."Itong matitira na siyam na galon ay gagamitin mo isa isa, araw araw ito. Apo ha.."Pagpapatuloy niya at sumang ayon naman ako. 


Medyo malaki ang galon at hindi ko ito maabot, kaya tinulungan ako ni Ross na umakyat sa pamamagitan ng pag hawak niya sa aking bewang. Ngumiti naman ako bilang pasasalamat, unti unti kong inilubog ang katawan ko at ang tubig ay umabot hanggang sa leeg ko--hindi naman pala siya nakakapaso. Mainit  ang tubig pero mas lamang ang pagiging relaks ng katawan ko, siguro nilagyan ni Grandpa ng mahika ang tubig upang hindi ako mamatay sa init. 


"Ano po bang trip natin dito, Grandpa. Para saan po ito?"Tanong ko at narinig ko ang malakas na tawa ni Grandma--grabe talaga. Ako ang kaligayahan nila! 


"Upang ma kontrol mo ang temperatura sa katawan mo kapag ginagamit ang powers na ice--sigurado naman ako na kapag ginagamit mo ang kapangyarihan mo--nilalamig ka hindi ba?"


"Ay opo, Grandpa.."Sagot ko. 


"Kaya habang nakababad ka sa tubig na mainit, gamitin mo ang kapangyarihan mo upang ma gamay mo ang pag gamit nito nang hindi nilalamig.."Pagpapatuloy niya at napa thumbs-up naman ako. 


"Sige po! I'll try my hardest.."Sabi ko at ngumiti naman sila. 


Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon