Dena's Point Of View
My head hurts so much! Halo halo ang mga flashbacks na nakikita ko, napasigaw ako sa sobrang sakit. Hingal na hingal akong napahiga sa sahig, naiiyak na ako dahil sa sakit. Hindi ko akalain na ganito ang mararanasan ko.
"Anong nangyayari sa akin.."Bulong ko at unti unting ipinikit ang mga mata ko, my body has given up. At dahil sa pagod, mabilis akong nakatulog.
Ang isip ko, parang lumilipad--ang mga tanawin sa isip ko ay ang bilis na nagpapakita hanggang sa tumigil ito.
(A/N: babalik na lahat ng alaala ni Dena..)
May nakikita akong mga tao na nagkakaguluhan, naririnig ko din ang mga sinasabi nila..at ang sinasabi ko rin..
'Anong nangyayari, mahal?'Tanong ko.
'Hindi ko alam, pero kailangan na natin umalis! Sila Lucious ito..'Sagot niya sa akin.
Mabilis akong pumunta sa kwarto upang kunin si Devika, habang tumatakbo ako kasama si Raiden nakikita ko na sa malaking bintana ang mga taong nagtatakbuhan. Nakita ko si Nanay at sabay sabay kaming lumabas ng kastilyo, buhat buhat ko si Devika at malakas ang iyak niya dahil sa ingay.
Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang ma protektahan ang mga tao, sinamahan sila ni Nanay na makaalis.
'Magkita kita na lang tayo mamaya, Star!'Sigaw sa akin ni Nanay at ngumiti ako sa kaniya bago tumango.
Tumakbo lang kami at abala si Raiden sa pag protekta sa mga tao, ganun din sa aming mag ina niya. Nakita ko ang pag dating ni Cloe, ang mga clones niya ay may dala dalang mga tao na may mga sugat. Dumating na rin si Jane.
'Hindi ko kayang mapatigil ang lahat, Kuya! Masyadong marami ang mga ito, hindi ko ma pause!'
'It's fine! Tulungan mo na lang ang iba sa pag protekta sa mga mamamayan!'
'Tara na po, Ate Star!' Pagyaya niya sa akin ngunit umiling ako.
'Sasama ako kay Raiden..'Nakangiti kong sabi at tumango na lang si Jane.
Muli kaming naglakad, papunta kami ngayon sa bahay nila Mama Maji at Papa Rajik.
'Mahal, babalikan na lang ulit kita mamaya kapag maayos na--.'Hindi na natapos ni Rai ang sasabihin ng biglang may sumalakay sa amin. Napahiwalay ako sa kaniya at pagkatingin namin sila Lucious ito.'Fuck!'Narinig kong sigaw ni Raiden.
Mas lalong lumakas ang iyak ni Devika, pinapatahan ko siya--napatingin ako kay Rai na nilalabanan na ang mga sumusugod. Ginamit ko din ang kapangyarihan ko upang malabanan sila. At dahil sa sobrang dami nila, tinignan ko si Raiden at nahuli ko ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...