Chapter 35: memory

235 15 0
                                    

A/N: malapit na tayo sa exciting part. 




Vers's Point Of View 


Malakas kaming nagtatawanan habang umiinom ng green tea. Feel at home na feel at home na agad ako dito, halos kabaliktaran naman ang sinasabi nila Papa tungkol kila Grandpa at Grandma. 


"Okay lang po ba iyon?"Tanong ko sa kanila. 


"Oo naman!"Sabay nilang sagot. 


"Ang sosyal naman ng Grandma! Bagay na bagay sa akin.."Napangiti naman ako. 


"Gusto mo na bang simulan ang training natin bukas?"Tanong naman ni Grandpa."Hindi naman ito masyadong mahirap!"Pagpapatuloy niya. 


"Hindi masyadong mahirap? Sino niloko mo, Pa!"Singhal naman ni Kuya Jacob at laking gulat ko naman ng bigla siyang batuhin ni Grandpa ng tsinelas. 


"Huwag. kang.achusera.."Sambit ni Grandpa at mahina naman akong natawa ng makita si Kuya Jacob na ngumiwi. 


"Siguro sa June 1 na lang kayo mag training. Magbakasyon muna si Yelena dito.."Sabi naman ni Grandma at napangiti naman ako. 


"Salamat po!"Napangiti naman silang dalawa, muli kaming nag usap usap patungkol sa naging buhay ko sa Earth. 


Hindi nila akalain na doon ako napadpad, kaya daw pala hirap na hirap sila Papa na hanapin ako sa sulok ng mundo na ito dahil nasa kabila naman akong mundo. Pagkatapos nun ay sinamahan ako ni Kuya Jacob sa aking kwarto at tama nga ang hinala ko, sa lapag ako matutulog--malambot naman pero ang hihigaan ko at take note mas malambot pa siya sa mismong kama! Ang galing, hahahaha! Yung dati ko kasing kama parang ginawa sa kahapunan ng mga kastila sa sobrang tigas. Para bang nanigas yung mga bulak doon sa foam, nakakainis. Kaya ang ending bumili kami ng panibagong kama nila Mama Jo. 


"I have to leave now. Mag iingat ka dito ha.."Sabi ni Kuya Jacob at mahigpit niya akong niyakap, ganun din ako sa kaniya. 


"Ingat ka po.."Sambit ko at ngumiti naman siya bago lumabas ng kwarto ko. 


Narinig ko pa ang pag pa-paalam niya kila Grandpa bago umalis, sinilip ko siya mula sa bintana at nakita naman niya ako. Kumaway ako sa kaniya at kumaway naman siya pabalik, huminga ako ng malalim at pinatunog na ang aking mga daliri. Sa totoo lang, hindi ko masyadong nagagamit ang kapangyarihan ko. Kasi sobrang lakas nito at baka makapatay pa ako, wala akong magawa ngayon. Paano kaya kung mag sulat ako ng liham at ipadala ito kila Papa, o hindi kaya kay Kei. Alam ko na! Isa isa ko silang gagawan at ipapadala ko din ito isa isa, syempre--gamit ang magic! Buti na lang talaga lagi akong present sa class ni Ma'am Rosana kaya alam ko kung paano magpapadala ng sulat gamit lamang ang mga ibon. 


Kaso nga lang, ako ang napapagod para sa ibon. Araw araw niyang dadalhin ang liham ko para kay Kei at Papa, kaya linggo linggo na lang ako gagawa at isahan lang ang pasahan kapag nag sabado na. 


"Ahh.."Napatingin ako sa harap ng pinto nang may makita akong isang lalaki, ngumiti naman ako sa kaniya."P-pinapatawag kana pala ni Master Maji sa baba.."Pagpapatuloy niya at tumango naman ako. 

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon