Chapter 42: present

232 13 0
                                    

Part 2




Yelena's Point Of View 


Hindi pa rin nag si-sink in sa buong pagkatao ko ang aking nakita, nag transform si Mama into Dena..at hindi niya kami naalala dahil kinuryente ni Lucious ang utak niya at ang akala nila patay na si Mama kaya inilibing na nila ngunit hindi pa rin pala ito patay. 


Naglaho na ang imahe at lumitaw ang bahay nila Grandma, kahit na ang dungis dungis ko. Pumasok ako sa loob at doon ko nakita sila Nanay Cleofe, umiiyak siya at yakap yakap siya ni Kuya Jacob. Nakita ko si Ross, nagdala siya ng tsaa kay Nanay Cleofe. 


Pumasok ako sa isang kwarto at panibagong luha na naman ang bumagsak, pati din ang katawan ko bumagsak ng makita ko si Papa na umiiyak habang yakap yakap siya ni Grandma. 


"Wala akong kwentang asawa at ama, hindi ko pa rin sila naligtas! At hindi ko alam kung na saan sila, Mama. Mababaliw na ako hindi ko alam kung buhay o patay ang mag ina ko! Napaka wala kong kwenta!"Malakas na sigaw ni Papa ngunit mahigpit siyang niyakap ni Grandma."Hinalughog ko na ang buong mundo, pero wala pa rin sila..hindi ko sila makita. Wala ng saysay ang buhay ko, Ma. Wala na ang asawa at anak ko.."


Napatakip ako sa aking bibig, suamsabay ako sa paghagulgol ni Papa. Naaawa ako sa mga magulang ko. 


"Buhay si Kristen at Devika, anak..maniwala ka sa akin"Sabi ni Grandma na umiiyak din. 


"Ayaw ko ng mabuhay sa mundo, kung wala ang anak at asawa ko.."Bulong ni Papa at mas lalong napalakas ang paghagulgol ko. 


"Ikaw na ang tatanghalin na bagong mamumuno sa Magica--."


"Hindi ko kaya, ayaw ko. Ayaw ko.."Sambit ni Papa, mahigpit siyang niyakap ni Grandma. 


"Pero pangarap ni Kristen iyon sayo.."Pangungumbinsi ni Grandma. 


"Silang dalawa ni Devika ang pangarap ko Ma.."


"Mahahanap natin sila, hindi pa huli ang lahat..anak"


Naglaho ulit ang mga imahe, hinintay ko na may magpakita muli ngunit ilang segundo lang ay nasa madilim pa rin akong lugar. Tumayo ako at nakita ko ang sarili ko sa repleksyon, napaka dungis ko, ang dumi ng damit ko, sobrang gulo ng buhok ko at sobrang namamaga at namumula ang mga mata ko. Napansin ko ang liwanag na nanggagaling sa harap ko, naglakad ako papunta doon at nakarating ako sa bahay namin nila Mama Jo. 


Hindi pa lang ako nakakapasok, ang bigat bigat na ng dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko at halos hindi ko mabuksan ang door knob not until may nag bukas nito. Biglang bumungad sa akin si Mama Jo at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap, nakikita niya ako. 


"Mama Jo.."Bulong ko at malakas na umiyak sa kaniya, ipinasok niya ako sa loob ng bahay at bumagsak kami dahil nanghihina na ang katawan ko. 


"Huwag mo kalimutan mag pahinga, mahaba ang naging lakbay mo pero sa akin ka pa rin umuuwi.."Sabi niya at naramdaman ko ang pag galaw ng balikat niya--umiiyak din siya."Alam mo na rin ang lahat ng nangyari, napaka tapang mo. Vers.."Isinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib."Proud na proud si Mama sayo.."Sabi niya. 

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon