Amaya's Point Of View
Naglakbay na kaming lahat papunta sa Mountain, sumama si Cleofe dahil gusto niya makita kung saan itinapon ang katawan ng anak niya--habang ang mga nagbabantay naman kay Yelena ay naka invisible. Kailangan namin gawin iyon, hindi lang kila Yelena kung hindi pati na rin sa buong mundo. At buti na lang nagawa ito ni Jacob, kailangan maitago ang mga mamamayan upang maprotektahan sila kung sakaling pumunta ang grupo nila Lucious.
"Ma, just relax.."Narinig naming sabi ni Rai habang naglalakad sa matirik na bundok, halatang hindi mapakali si Cleofe at nangunguna siya sa amin.
"S-sorry.."Lumapit sa kaniya si Rai at inalalayan ang Cleofe sa paglalakad, buti na lang at umaga kami umalis dahil kapag pinaabutan pa namin ng gabi baka mamatay agad kami.
Matirik kasi ang bundok at ang layo pa ng lalarakin namin para makapunta sa tuktok, kaya ko naman baguhin ang gabi sa araw pero hindi ko pa kaya dahil nagamit ko ng sobra ang katawan ko kahapon. Sana talaga, matapos na ito ng maaga para makapunta na ako sa aking asawa. Iligtas siya sa ibang mundo at dalhin siya dito sa aking mundo, napabuntong hininga naman ako ng tumigil muna kami sa paglalakad.
"Kailangan ko ata mag pa-exercise kasama ang mga students ko bukas sa Defense Class.."Sabi ni Justine habang hingal na hingal.
Tumungga na lang ako sa dala kong tubig, ang dami dami naming pumunta dito--ang mga namumuno sa Magical World, ang Top 5, at ang teachers sa Enchantment Academy. Nakita ko ang pag gawa ng mahika ni Rosana at ito ay pampabilis ng lakad, binigyan niya kami isa isa at ininom naman namin ito.
Naging malakas at masigla ang pangagatawan ko ng mainom ko ito, nagpatuloy na kami sa paglalakad at ilang minuto lang nasa tuktok na kami sa tulong ng potion na ginawa ni Rosana.
"I noticed someone.."Narinig kong sabi ni Jane at napatingin naman kami sa kaniyang tinitignan, mula sa aming pwesto. May nakatayong babae, hindi siya masyadong makita dahil may natatakpan ito ng mga ulap.
Quaakk quaakk*Quaakk quaakk*Quaakk quaakk*
Napatingin kami sa isang uwak o sa ingles Raven, lumipad ito paalis."It's Dena!"Sambit ni Vin at nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko kung sino na.
Naglakad kami papunta sa kaniya, nakatayo siya at nakatingin sa isang puntod--may hawak hawak siyang rosas at nakasuot siya ng itim na bestida. Tumingin siya sa amin at walang reaksyon ang kaniyang mukha, namumutla siya at ang labi niya ay nangingitim na.
"What brings you here?"Mahinahong tanong ni Rai, tumingin naman sa kaniya si Dena at halata naman sa mukha ni Rai na kinikilatis niya ang nasa harap niya.
Tipid na ngumiti si Dena at ibinalik ang tingin sa puntod."That is a question that I should be asking.."She said with a rough tone, paos ang boses niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...