Chapter 5: powers

526 20 0
                                    





Yelena's Point Of View 


Sabay kaming pumasok ni Kei sa loob ng Dorm, may mga nakasalubong pa kami na ibang estudyante. Nagulat din ako doon sa isa, para kasi siyang pating. Sa tingin ko ganon na talaga ang katangian nila, pag kapasok namin sa loob ng kwarto. Malakas na palatok ang ibinigay ni Zale kay Kei. 


"Ouch, problema mo?"Tanong ni Kei habang hinihimas ang kaniyang ulo. 


"Kung saan-saan ka napapadpad! Niloloko mo kami gamit ang mga clones mo, Ban. Minsan nga gamitin mo yung powers mo para ma disable yung magical abilities ni Kei"Sabi ni Zale at natawa naman ako. 


"Ang dami mong arte, Asher burahin mo nalang si Zale.."Sabi naman ni Kei, akmang hahampasin na siya ni Zale nang bigla itong tumakbo. 


"Hayaan mo na sila, ganiyan kasi sila mag bebe time"Sambit naman ni Riley. 


"Bebe time? Mag jowa si Kei at Zale?"Tanong ko. 


"Ewan ko sa dalawang iyan, siguro"Sagot naman niya.


"Hindi sila mag jowa"Inis na sambit naman ni Ban. 


Nagulat ako sa inasta niya, is that selos? Owemji! Bigla naman akong napangiti sa naisip, aaminin ko medyo na hurt ako ng sinabi ni Riley na may something si Kei at Zale dahil crush ko kasi si Kei. Hindi naman sobrang crush, slight lang din. 


"Yung mga uniform mo pala, Yelena nandito na.."Turo ni Asher sa isang bag, kaya lumapit ako doon at kinuha ito. 


"Salamat.."Sabi ko. 


Nakita ko na tumigil sa pagtakbo ang dalawa at naupo naman sila sa sofa, dumiretso muna ako sa kwarto namin upang ilagay ang bag ko na may lamang uniforms. Pagkatapos ay tumabi na din ako kay Riley, hindi ko alam kung bakit sila naka upo pero umupo na din ako para kunware belong ako ha. ha! 


"Umm, nagtatakha ako kung ano ang powers mo. Yelena"Panimula ni Zale at naramdaman ko naman ang tinginan nila. 


Tumingin ako sa lapag at dahan-dahan na umiling."W-wala, wala akong powers or magical abilities.."Bulong ko at pinagdikit ang dalawa kong daliri. 


Ito na siguro ang oras na kung saan magiging ayaw na nila ako, huhusgahan kung bakit ako nakapasok eh wala naman akong kapangyarihan katulad nila. 


Nanginginig ang mga binti ko, parang natatakot ako sa sasabihin nila sa'kin. Ngunit nawala ang kaba ko nang maramdaman ko ang kamay ni Asher na humawak din sa kamay ko. 


"That's okay, malay mo meron ka talagang kapangyarihan pero late lang dumating"Mahinahon na sabi niya sa'kin at ngumiti naman ako. 


"Yeah and then, hindi magkakamali ang School kung sino ang iimbitahan. Kaya sigurado ako na may dahilan kung bakit ka nila pinapasok dito sa mundo na ito"Sagot naman ni Kei. 

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon