Vers's Point Of View
"Sabi ko naman sayo, Ate Gwen. Huwag ka mag papabuntis sa kuya ko! Oh look what happend, not classy!"Sabi ni Madam Vien at mahina naman akong natuwa.
Lunch break na namin, at pinatawag ako sa faculty. Tamang tama naman, nandito si Madam at pinagsasabihan si Ma'am Jane na tahimik lang na kumakain ng mangga na binili ni Sir Zel.
"Shut up"Sambit naman ni Sir Zel at nagtawanan naman sila Ma'am Faith.
Umirap si Madam at lumapit sa akin, umupo siya sa tabi ko."Ang tagal naman ng Uncle mo.."taka akong tumingin sa kaniya, uncle?
"Uncle? Sino po ang uncle ko?"Tanong ko.
"You've never met your uncle!?"Gulat na tanong niya rin sa akin.
"Na meet niya pero hindi niya alam na uncle niya iyon.."Sabi naman ni Sir Justine.
"Oh, they keep their surnames disguised nga pala. They should be confident! Not classy!"Hindi ko maintindihan si Madam ngayon, para bang nawala ako bigla at hindi ako naging updated sa sinasabi niya."Don't worry. I'll probably be your auntie!"
"Girlfriend ka po ng Uncle ko?"Tanong ko at ngumiti siya, napatingin ako kay Sir Zel na nakikipag lampungan na kay Ma'am Jane--halata ding walang pake ang ibang mga teachers sa sinasabi ni Madam sa akin ngayon.
"It's a one-sided love, although I am confident that I will capture your uncle's heart!"Tipid akong ngumiti.
Ang iniisip ko kasi na Uncle ko ay matanda, may naging kabit, masungit, mataba pero matapang--err sa tingin ko kabaliktaran naman niya ito. Mukhang may iniimagine si Madam, kumikinang ang mga mata niya habang nakatingin sa ilaw. Kapatid siya ni Papa, for sure. At ang gwapo gwapo ni Papa--sobrang daming nagkakagusto sa kaniya dito kaya imposible naman na hindi gwapo ang kapatid niya.
Hmm, sabi ni Sir Justine nakita ko na daw siya pero hindi ko alam na Uncle ko siya. Kung si Mr. Theodore ito, impossible dahil halatang hindi naman sila magkasundo ni Papa. Si Lord Ainsley? Impossible din, wala akong dahilan pero imposible pa rin hahaha. Mas lalo namang imposible si Ms. Aurelia at Liv dahil mga babae sila, edi dapat Auntie. Si Jacob kaya? Maaaring siya nga dahil may pagkakahalintulad din sila ni Papa pero hindi ko sila nakikitang nag uusap.
Siguro may dahilan kung bakit ganun, tinatago siguro nila sa iba na magkapatid sila para sa ikaliligtas ng angkan at nila grandparents ko. Lalo na't ngayon, maaaring sumugod ang grupo ni Lucious ngayon o hindi naman mamaya. Kaya tinatago nila ang pagiging relative nila.
"Vivienne, napakaraming lalaki ang naghahangad ng iyong pag ibig. Pwede mo rin naman subukan mag mahal ng iba.."Tanong naman ni Nanay Cleofe na kakapasok lang sa faculty.
"Is that true? Can you name some people who liked me?"
"Ang feeling mo.."Narinig kong sabi ni Sir Zel at akmang hahampasin siya ni Madam ng biglang may pumasok sa faculty at lahat kami ay natahimik.
Isang lalaki na naka white shirt at jeans, hapit na hapit ang white shirt niya na halos bumakat na ang mga muscles niya rito. Matangkad din siya at magulo ang buhok pero nakadagdag ito sa pagiging gwapo niya.
"Good afternoon."Bati niya sa lahat at tumingin sa akin."Hello there, my lovely niece." Oh my gash! So siya yung uncle ko?! Kaya pala patay na patay sa kaniya si Madam Vien dahil ang hot niya talaga!
Ngayon ko lang natitigan si Uncle Jacob ng ganito katagal, minsan lang kasi siya nagpapakita sa akin. At tsaka laging inaagaw ng pansin ko si Ate Amaya.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasiIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...