Vers's Point Of View
Ilang kwento na ang naikuwento ko kay Sir Rai, panay naman ang tawa at ngiti niya. Ang bait bait naman pala niya, akala ko kasi kapag Top 1 hero ko eh--medyo masungit pero ngayong nakasama ko si Sir Rai parang mag tropa lang kami.
"Bakit niyo nga po pala ako pinatawag?"Tanong ko sa kanila.
"Naalala mo yung pinag aralan natin noong mga nakaraang linggo? Yung tungkol sa bagong miyembro ng grupo nila Lucious.."Sabi naman at mabilis akong napatingin kay Ate Amaya. Nginitian niya lang ako na nagsasabing 'answer it..' Tumango na lamang ako."Nabanggit ko doon si Dena diba?"
"Opo.."Sagot ko.
"Nakita mo na ba siya?"Tanong ni Ma'am Faith.
Huminga muna ako ng malalim."Naalala ko po, noong nasa tren kami nakatingin lang po ako sa bintana. Medyo malakas po ang ulan nun, nang madaanan na namin ang gubat ni Night Lady napansin ko na may anino doon. Yung alam niyo po na kahit hindi mo siya makita ng malinaw pero alam mo na nakatingin siya sayo at alam niya na nakatingin ka sa kaniya?"Tanong ko at tumango naman silang lahat."Akala ko po noong una, si Night Lady iyon pero ang mata niya ay kulay it--."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng putulin ito ni Ate Amaya."Itim, itim ang mga mata ni Dena.."Parang naging drum ang puso ko, ang lakas ng pagtibok nito."At iyon ang dahilan kaya ka pumunta noong gabi na iyon?"Tanong niya sa akin at tumango ako.
"Simula po ng magkatitigan kami, hindi na ito nawala sa isip ko. Ginugulo ako nito, pati sa pag aaral at pag papahinga ko. Kaya ng gumabi, naisipan ko pumunta sa Enchanted Forest gamit ang mapa na ibinigay ni Sir Zel sa akin.."Sagot ko.
"Dena said, ikaw ang anak niya.."Sabi ni Ate Amaya at halos mamatay ako sa pagkabigla!
"Po?!"Pa sigaw na tanong ko.
Imposible naman na siya ang Nanay ko! Hindi pwede, at tsaka wala naman siyang ibidensiya. Ayaw ko siya maging Nanay dahil nabalitaan ko na nakakatakot daw siya."Imposibleng siya po ang Nanay ko.."Bulong ko.
Paano kung siya nga? Hindi pwede, hindi talaga pwede.
"Do you mind if you tell us your Family history?"Tanong ni Sir Rai.
"Ang kwento po sa akin ng Mama ko--hindi ko po siya tunay na Mama. Napulot lang niya daw po ako, kinuha niya po ako dahil naaawa daw po siya sa akin. Ang asawa naman po niya ay namatay dahil sa isang labanan po--baka gyera po ito sa Earth, meron po siyang tunay na anak at ang pangalan niya ay Hannah. Tinuring ko din po siyang kapatid kahit hindi masyadong maganda ang trato niya sa akin noon, hindi ko rin po kilala ang totoong magulang ko.."Naramdaman ko ang pagtinginan nilang lahat.
"Sabi ni Dena, nawawalang anak. Sa tingin ko hula niya pa lang iyon, wala pa namang ebidensiya na siya ang nawawalang nanay ni Vers. Powerless si Vers at wala din siyang magical abilities.."Sabi ni Ma'am Jane.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasiIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...