Jane's Point Of View
"Ano habang buhay na lang ba ganito?"Tanong ko sa kanila, nandito kasi silang lahat at nakikipag laban. Habang ako naman, kinakain ang dinalang watermelon ni Zel. Pinapanood ko lang sila at kapag may balak na umatake sa akin, ang asawa ko ang nagpo-protekta sa amin ni baby.
Ang ganda pala kapag buntis, chill ka lang sa gilid.
"Kumilos ka kaya!"Sabi naman ni Gibson at inis ko naman siyang tinignan.
Hirap na hirap siya kontrolin ang mga bagay gamit ang daliri niya dahil ilang oras na din niya ito ginagawa."Inggit ka lang na nakaupo lang ako dito at kumakain.."Pang aasar ko sa kaniya at hindi niya na lang ako pinansin.
Sa totoo lang, lalaban na din naman ako mamaya. Kailangan ko lang mag ipon ng maraming energy--dati kasi kaya ko gamitin ang kapangyarihan ko nang walang limitadong oras. Eh ngayon na 4 months preggy na ako, kailangan ko mag ingat sa mga pinag gagawa ko.
Naubos ko na ang kinakain ko at napatayo ng may marinig na malakas na pag sabog, napatingin kami sa mga isang grupong naglalakad papalapit. Lumapit sa akin si Zel at itinago ako sa kaniyang likod, nakita namin ang grupo nila Lucious--kasama doon si Amaya.
"Nandito na sila.."Sabi naman ni Zale.
"Prepare yourself.."Rai gave the order, and he is now in command mode. His eyes are filled with rage and want to attack Lucious.
Nilapitan siya ni Jacob."Kalma, Kuya.."Bulong nito at tumango naman si Rai.
Naghanda na kaming lahat, katabi ni Ma'am Cleofe si Rosana--animo'y nakabantay sa kaniya. Tumigil ang grupo ni Lucious sa paglalakad, medyo malayo kami sa isa't isa. Ngunit napakadami nilang back up, back up dancers--mag hi-hip hop daw sila later after ng war--choz!
"Rai, it's been a while! It appears that I will execute your daughter as well!"Malakas na sigaw ni Lucious, hindi ko maitatanggi--natatakot talaga ako sa kaniya.
Nalipat ang paningin ko kay Pete, nakatingin siya sa akin.
'How are you?'Tanong niya sa akin.
'I'm okay, please. Don't follow them again, and don't make the same mistake as before..'Sagot ko naman.
Pareho kaming nag uusap gamit ang aming mga isip.
'If I survive after all of this, I assure you that I will give up and take responsibility for all of my faults to everyone, including my sins to you.'Sabi niya at napangiti naman ako.
'Salamat, Pete..'
"Kung kakayanin mo.."Mayabang na sambit naman ni Cleofe.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...