[MHAICA'S POV]
Pagkatapos kong marinig ang mga yabag na papalapit sa kwarto ko, hinanda ko na tenga ko at ang mga rason ko na galing pa sa Google. Yup, lahat ng kalokohan ko si Google ang karamay ko.
Ilang sandali lang, biglang tinulak ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok si tita. Labas ang mga ugat sa sentido niya at umuusok ang ilong.
"Ano to? Bagsak ka na naman! Lahat ng mga grades, bagsak! Akala ko ba magbabago ka na? Bakit ganito, Mhaica?!" walang prenong sabi tanong niya.
Napakamot na lang ako sa batok. Inaasahan ko na to. It's a normal situation. Katatapos lang ng meeting sa school at naiuwi na ang pinakamamahal kong card. Letse!
Hindi ko naman kasalanan kung hindi marunong magturo ang mga guro sa pesteng paaralan na yon at wala akong maintindihan.
Okay... hindi ako nakikinig kasi lagi akong tulog... pero hindi talaga marunong magturo yong mga teacher.
Bumuntong hininga na lamang ako at katulad ng madalas kong gawin... pagtatakpan ko na naman sarili ko.
"Tita, alam ko naman pong sinabi kong mag-aaral na ako ng mabuti pero tita, hindi po talaga maintindin mga teachers namin. Kita niyo nga po, hindi lang ako ang bumagsak, marami rami po kami kaya wala po sa amin ang problema, nasa paraan ng mga teacher kung paano sila magturo. And tita, hindi naman po lahat ng mga grades ko bagsak."
"So kontento ka sa mga palakol mong grade na tatlo lang ang seventy five at lahat na ay below seventy five, Mack? My God! Hindi ko na alam gagawin ko sa'yo, Mack! Hindi ka naman ganyan dati nung...."
Dati... Oo, hindi naman ako ganito dati pero marami na nangyari. I lost my mom three years ago kaya kung saan saan na lang ako napadpad. Una sa lola ko, tapos sa mga pinsan ng mama ko, at ngayon nga ay sa kaibigan ng mama ko.
Masaya kami dati ni mama kahit dadalawa lang kami. She's the only family I got pagkatapos nila maghiwalay ng papa ko. Pero ngayon, I don't have a family to call my own. Ni hindi ko man lang naranasan magkaroon ng complete family. Ang masakit pa, kinuha na din si mama.
"Narinig mo ba ako, Mack?"
Napatingin ako kay Tita Isabel. Nanlalaki mga mata niya habang naka-angat mga kilay niya. Marahan akong umiling.
"Diyos ko, Mack! Sabi ko, tatawagan ko papa mo. Doon ka na sa kanya titira. Pagod na pagod na ako sa'yo, Mack. Baka sakaling sa kanya, matututo ka. May mga anak din ako, hindi ko na kayang pati ikaw ay pinoproblema ko pa. Bahala na siyang problemahin kung anong gagawin niya sa'yo."
Pagkatapos niyang sabihin lahat yon, pumihit siya patalikod at lumayas sa kwarto ko. Naiwan akong tulala. I smiled bitterly. Lahat na lang sila. Lahat na lang sila, walang nakatiis sa akin...
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...