chapter 16

3.3K 86 2
                                    

sorry sorry sorry, naega naega naega... (tama ba? :P)

SORRY PO TALAGA! NGAYON LANG ULI MAG-AA UPLOAD... PASENSIYA NA. Kasi naman, mejo naging busy sa enrolment.. :((

patatawarin... 

eto na po...

(NICOLE-------> picture)

========================================================

[Mhaica’s POV]

Tulalang nanonood ako ng TV sa sala sa baba. Naka-tulog si Cloud, yong puppy, sa kandungan ko.

Hindi ko talaga gets kung anong ginagawa nung Nicole na yon kina Cloud kanina.

Pabagsak ng umupo si kuya sa tabi ko. “Hi, sis! Want some?” alok nito sa popcorn.

Umiling ako. Umupo naman si Nadine sa right side ko. “Baka eto gusto mo?” alok niya sakin sa Chippy.

Umiling din ako. Busog  pa ako.

Nagkibit balikat sila tsaka namin tinuloy pinapanood naming comedy. Plano talaga kasi naming magmovie marathon pero walang pumapasok sa tenga ko dahil lumilipad ang utak ko sa kung anong pakay ng Nicole na yon kina Cloud.

“Kuya?” tanong ko.

“Hmm?”

“Kayo pa ni Nicole, right?”

Natigilan siya. Naramdaman ko ding tumahimik si Nadine sa tabi ko. Oops.

“Yeah… though, we’re not in good terms right now.” sagot nito.

Tumango na lang ako kahit gusto ko pa sanang magtanong. Andito nga pala kasi si Nadine. And in case nakalimutan niyo… may gusto si Nadine kay kuya. Haaay…

“Sino si Nicole?”

Oh great. Should’ve known about this.

Nilingon ko si Nadine sa tabi ko. Pareho kaming nakahiga sa sahig sa may sala, nanonood pa din. Si Steven naman eh kanina pa umakyat sa kwarto niya, matutulog na daw.

“Uhm… girlfriend siya ni kuya—but I think magiging ex na niya kasi ilang weeks din silang hindi okay and…”

“And?”

Huminga akong malalim. “May nanliligaw sa Nicole na yon which happens to be my classmate and seatmate. Siya rin yong tinututor ko—shh! Don’t tell this kahit kanino lalo na kay kuya. Promise?” tanong ko.

Mapagkakatiwalaan ko naman si Nadine pero ngayong may gusto siya sa kuya ko, parang malabo nang maasahan ko siya. Errr… hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya or something pero.. basta!

“Promise.” Nakangiting sagot niya.

“Best… pag sinabi mo kay kuya na tinututor ko yong karibal niya… I’m so dead. Tengga. Tsugi. Patay! Gets? Kaya please, please, please, please….” Paki usap ko.

Nagdikit naman mga kilay niya. “Is there something you wanna clarify?”

Haist. Sabi na eh!

“Okay, ganito. The guy’s name is Cloud. Seatmate, classmate and tutee ko siya. And yep, siya din nagbigay ng puppy. And he’s the grandson of the owner of our school. May gusto siya dun sa Nicole and I think, sinusuyo niya yong girl. Hindi ko alam kung anong kwento ng love triangle nila pero hindi ko sila masisisi na pag-awayan yong girl because she’s really pretty and simple siya.” Mahabang litanya ko.

Napatango naman si Nadine. “Ohh… okay.” Makahulugang tumingin siya sakin. Na goosebumps pa tuloy ako.

“W-what?”

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon