upload na din sa wakas.. hehe... :))
pasensya ngayon lng though ewan kung may magagalit kasi parang wala nmn ako readers... :(( (nag-drama!) haha.. anyways!!.. heto na.. enjoy!!
=======================================================
MONDAY
Kasabay ng Foundation Day ng school ang celebration ng pagkapanalo nina Cloud sa Battle. Well obviously, walang academics at nagkalat lang ang mga stall sa buong campus. Stall na nagbebenta ng kung ano-ano at may mga booth din. Naaaliw pa nga ako sa ibang booth dahil may horror booth, marriage booth, message booth, drawing booth, music booth at kung ano-ano pa.
Juniors and Seniors lang ang pwedeng magtayo ng stall at ang mga lower years naman ang free maglibot libot although pwede din naman ang mga juniors and seniors kapag may free time sila.
Bawat section eh may kanya-kanyang gimik. May nag-cosplay, nagtayo ng booth, etc.
Ang section namin eh nagtayo ng food stall. So ilan samin ang nagluluto, may nakatoka sa grocery, sa basura, sa pagbebenta. Yong mga nagbebenta eh naka-suot pa ng dress like nung sa mga maid sa mga anime or something like that.
Ang toka ko eh sa cooking, lucky me, at nang hindi ko pa kelangang magsuot ng pesteng dress dress na yan. Pero syempre mas gusto ko yong sa grocery sana, at least dun, bibili ka lang.
“Okay na tong cake. Okay na din yong muffins tsaka cupcakes.” Announced ko. Kanina pa ako bake ng bake dito at heto nga tapos na lahat ng pinagawa nila. Natapos ko na kanina yong mga pies at pizzas.
Ang hirap mag-bake!! Ansakit na din ng kamay ko kade-design nung mga cupcake at cake. Lalo namang nakakalasog ng braso ang pagmasa. Haay!
Syempre nagtabi ako ng ilang special cupcakes at cake sa oven para kina Cloud. Nasa labas kasi sila, naka-toka sa grocery at sila din yong mga pinapatakbo sa mga stores kung may kinulang na ingredient…
Tumingin ako sa paligid ko. Busy din yong iba sa pagluluto ng pasta at donuts. May naghahanda din ng para sa burgers at footlong. And of course sa drinks. May kasamahan kaming magaling maghalo ng drinks kaya expecting kami na papatok ang stall namin.
“Break muna ako, guys. Gutay gutay na tong kamay ko.” Paalam ko bago nagtanggal ng apron at hairnet.
Natatawa namang tumango ang mga classmates ko. Lumabas ako ng kusina at tinungo ang stall namin. Madali ko yong nahanap dahil sa unique na design nun na gawa nung baklang classmate ko. He’s really good.
Hindi pa official na nag-start ang opening ng mga stalls dahil mamayang 8 AM pa ang pagbubukas. Sa ngayon eh preparations pa lang. At ang aga kong nagising para dito. Kenailangan ko pang gisingin si Steven para sabay-sabay kaming pumasok nila ni Nadine. Buti si Nadine, maysa-abnormal yong babaeng yon at okay lang kahit ilang oras lang tulog niya. 1 AM na kasi kami naka-uwi dahil ang hirap maghanap ng taxi kahit na pinipilit nina Cloud na ihatid na lang kami. Nahiya naman kasi ako sa oras para sa kanila upang mag-celebrate.
Six pa lang ng umaga eh naghahanda na kami sa pagluluto. Sobrang kulang talaga yong tulog ko. Damn—I wanna take a nap. Tumingin ako sa wrist watch ko, 7:45 na. Kunti na lang, opening na ng stalls at booths. Hindi ako pwedeng matulog…
Nagsimula na din magdatingan ang mga lower years at nag-aabang lang sila sa mga stalls. Naghahanap siguro kung anong uunahin nilang puntahan.
“Oh, okay na yong mga baked goods mo?”
Nag-angat ako ng tingin mula sa kina-uupuan ko. Nakita ko sina Raven at Ace na may buhat na Styrofoam cups and plates. May plastic spoons and forks din tsaka straw. And plastic cups din na iba’t iba ang size.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...