chapter 2

5.4K 107 9
                                    

Nag-aayos ako ng mga gamit sa binigay saking kwarto. Formal ang kulay ng bedroom. Chocolate brown to light brown and white ang pintura.

Cool.

Kalahati ng dingding ay mga bintana na slide. At may terrace pa sa mismong sisikatan ng araw at may lamesa na din dun with two metal chairs sa left, samantalang sa right side ay may swing with pillows. Sosyal!

Malawak ang kwarto pero sapat lang dahil masyadong akong magalaw na tao.May sarili na ding banyo. Kakaunti lang dala kong gamit, maliban sa sangkaterba kong damit at mga pictures ng nanay, sabit na din ang skateboard ko. Pero nagulat ako nang may mga ilang gamit na din akong nadatnan. Gitara, study table, laptop, mga ilang sapatos sa cabinet na halos converse, doll shoes at marami raming heels. Napalunok na lang ako ng Makita yon, aanhin ko naman kaya to? May naka hanger na din na mga blouses, polo shirts at dresses.

Eww dress..

Kinakalikot ko pa ibang laman ng pagkalaki laking cabinet ng biglang may sumulpot na chikiting sa tabi ko.

“Anak ng!” bulalas ko sa lintik na bata. Mukhang anak pa naman ng the grudge.

Naka ngiti siya sakin habang naka upo na parang natatae. Hmm.. cute!

“Hello!” bati niya sakin. Naks, may accent. Okay na sana eh pero mukhang rereglahin din ilong ko dito.

“Hey” sagot ko. Ang cute niya! Maputi, kulot ang buhok at may dimples sa magkabilang pisngi, tangos din ng ilong brad! Anak ng hilaw.

“Come on, let’s play ate Mhaica.” Sabi niya sabay hila sa buhok ko.

Ay letse!

Sinabayan ko na lang ng tayo ang paghila niya tsaka ko siya binuhat. He giggled. Pero dyos ko maria! Ambigat ng tiyanak na to.

Wala kaming naabutan ni papa kanina dito sa bahay dahil pina check up daw ang ngipin ng bata kasama ang mommy. Hmm… so andito na din ang asawa. Haaay.

Pababa pa lang kami ng hagdan papuntang sala ay naririnig ko agad ang boses babae kausap ang papa. Tinatanong kung pinakain na daw ba ako at kung nagpapahinga daw ba ako. Nakababa na kami at sumilip ako sa sala, nakatalikod sakin ang babae at nakangiti lang ang papa. Nang Makita ako ay tinuro na lamang ako ni papa.

Pumihit patalikod ang babae. Boom! Busangot ang mukha at mukhang laging mataray! Hahaha, joke! Ambait ng itsura at naka ngiti agad siya. Warm smile at mukha namang sincere. At ayon pa nga at parang nagniningning ang mga mata niya.

“Hi po” bati ko.

“Wow, you’re pretty! Welcome home. Did you eat? Or do you want to eat something?” sunod sunod na tanong niya habang hinihila ako sa may dining area. Naka buntot naman ang bata sa likod ko at parang sisipain ang nanay niya dahil nawalan ng kalaro.

Kinindatan na lang ako ni papa. Parang sinasabing “told yah!”

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon