[Mhaica's POV]
Exhausted! Busted! Bombastic! Walastik!
Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa kukute ko kung anong pinapagawa sakin ng lolo ni Cloud.
Gumulong ako sa kama ko. O_O
Tutor. For. Him-- Cloud!
Natapon ko ang unan sa dingding.
Bogsh!
Pambihira, nalaglag pa yong poster. Buti na lang hindi nabasag.
Tinamad akong pulutin kaya nakatitig lang ako dun habang nagsesenti pa din sa nangyari kanina.
Ano ba naman kasing pumasok sa isipan ko't hindi man lang ako humingi ng kahit ilang araw para pag-isipan yong offer? Ora-oradang OO agad!!
Naitapon ka uli yong isang unan.
Akmang itatapon ko pa uli yong isa nang bigla na lang pumasok si Steven. Kunot noo niya at nakatingala. Ano meron dito?
"Hoy! Andito ako!" sabi ko.
Agad namang tumingin sakin ang mokong.
"Shit! Kala ko nagbibigti ka na! Ang ingay. Kabog ng kabog kwarto mo, pangit." reklamo nito.
Napa ngiwi naman ako sa sinabi nito. Nagbibigti? Siya kaya isabit ko! Hindi ako suicidal type.
"Gago. Bat naman ako magbibigti? Shonga lang" pabalang kong sagot sabay hagis sa unan.
"Ahh! Yon pala yong maingay. Bat mo naman kasi binabato mga unan mo?" tanong nito tsaka pinagpupulot mga yon sabay hagis pabalik isa isa sakin. Sira ulo to ah.
Sinalo ko naman lahat.
Humiga siya sa paanan ko.
"So, what's the problem?" tanong niya.
Kuu! ito na naman tayo sa english english na to!
"Nhathieng!" sagot ko.
natawa pa tuloy siya sa pinasuklam kong accent.
"No, really. Whats with you?" pilit niya.
Oh shit! Hindi ko masasabi sa kanya yong tungkol sa tutor dahil kilala niya si Cloud at sa mga narinig ko, malabong magkasundo ang mga to. In short--- kinasusuklaman ni Steven si Cloud! at mukhang vice versa!
Ano namang idadahilan ko?!
"And don't dare to lie. I can read you, sister." babala pa nito.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...