==============================================
Mom's doing the talking pa din sa mga kakilala niya sa ospital na to kaya kami-kami lang ang nasa room ni Mack. Sa lahat ng nakapalibot sa kanya, ako lang ata ang hindi tulog. Hinihintay ko siyang magising.
And natatakot ako... paano pag hindi siya nagising...
I shut my eyes tightly. Please no.
I silently prayed after a very long time.
Nagmulat uli ako nang may kung sinong humawak sa pisngi ko.
"Hey Cloud" paos ang boses niya.
I just stared at her. Pale na pale pa din siya at mahina ang boses niya but her eyes are twinkling.
Alive.
"Mhaica..."
She grinned. "Pahingi muna ako tubig bago mo 'ko titigan. Tumatagos sa buto ko yang tingin mo" she gave me a weak smile.
Dali-dali ko namang inabot sa kanya ang bottled water na may straw. She sipped almost all of it.
"Better?"
She nodded. "I miss you"
"I miss you more, babe" I held her hand. "How could you keep this from me?" malumanay kong tanong. I don't wanna scare her though I really wanna yell at her.
She frowned. "I'm sorry"
"You're dying! And you're telling me you're sorry?!" I yelled. Can't help it...
Her eyes watered... Damn that look.
"Sorry" I apologized
She nodded. "No, I'm sorry. Ayoko sanang malaman mo kasi natatakot ako... I just wanna spend my remaining days with you with no worries."
I took a deep breath. Sira ulo ba siya?
"And sa tingin mo anong magiging reaksyon ko pag nalaman ko? Magagalit ako, oo, pero maiintindihan ko at matutulungan pa sana kita kung mas maaga kong nalaman. But you hid this thing from all of us. All of us, Jammaica. And pati pamilya mo, hindi nila alam. Why's that? Huh?"
She didn't meet my eyes. Guilty.
"I'm really sorry, Cloud... I truly am"
"Kelan pa to?"
"Nalaman ko nung nasa high school pa ako. Si mama lang nakaka-alam and 'yong isang doctor na kaibigan ni mama, she's actually my doctor"
Hindi na ako nagsalita kasi baka mabulyawan ko uli siya.
What a stubborn babe.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...