SORRY PO NATAGALAN BAGO MAG-UPDATE. HEHE. PEACE TAYO.
ANYWAYS, HETO NA PO.
ENJOY!!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nadine's POV
It's been two days at mukhang wala na talagang balak kumain si Mack. Still in pain... Dumagdag pang worried kami kung nasaan si Steven. Hindi pa din siya umuuwi at wala kaming idea kung asan siya though tumawag siya kahapon saying he's okay then hung up... the nerve! Absent na din kami sa school for two days now.
"Mack, kain na!" sigaw ko mula sa kusina. Obviously, ako na lang kumikilos dito sa bahay. Kelangan kong buhayin ang isang to. She's a mess! Pero matatag ang bestfriend ko and not the suicidal type. She says jokes pa din though hindi na sya ganun ka-jolly. Parng nagi-guilty tuloy ako na masaya ako dahil mejo MU na kami ni Ace samantalang silang magkapatid eh broken....
Napatingin ako kay Mhaica nang hindi man lang siya kumilos sa kinalulugmukan niya sa sala. I sighed. Parang gusto ko na tuloy ipa-hunting yong letseng Cloud na yon... Ganun ganun lang na iwan niya bestfriend ko para lang sa Nicole girl na yon... Para tuloy nagamit and napaglaruan lang si Mack...
Halos araw-araw ding puyat si Mack. Kagabi, sinubukan kong tawagan ang papa niya sa skype at sakto naming online kaya nakapag-usap sila. Nakita ko ulit na lumiwanag mukha niya nang makita sila. Mejo tumaba uli si Ian na hindi na mapa-alis sa harap ng camera at kaway ng kaway sa amin. Ang cute! Nag-aaral na din daw uli ang bata at pinagmalaking may friends daw. I smiled at the scenario.
Nilagay ko sa tray ang pagkain niya tsaka ko sya nilapitan. Swerte na lang kung maubos niya tong nasa pinggan niya.
Nilapag ko sa center table ang tray at umupo sa may paanan niya. Nakatalukbong pa din siya ng kumot at prenteng natutulog.
"Mack, kain ka na o."
Dahan-dahan niyang hinawi ang comforter para tingnan ang pagkain niya se mesa. Then she smiled. "Buttered chicken?"
Tumango ako. Isa sa favorite niya kasi yon kaya kahit mababa ang skills ko sa pagluluto, niluto ko pa din para sa kanya.
Tuluyan na siyang bumangon at pumunta sa kusina para maghugas ng kamay. Pagbalik niya eh mukha na siyang tepok na nakangiti habang masama ang tingin sa buttered chicken. Inihit ako ng tawa. Sa wakas! Kakain na siya!
Ginanahan naman ako at kumuha din ng sarili kong pagkain sa kusina at sabay kaming kumain sa sala.
Mack murmured something pero hindi ko naintindihan dahil punung-puno ang bibig nya.
"Ha?"
Lumunok siya sabay ngiti. "Ang saraaaaaaaap!"
Natawa ako. "Meron pa sa kusina." Ewan kung bakit pero naparami kasi ata yong niluto ko para sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...