Mhaica's POV
Bitbit ang mga regalo ko para kina Nadine, Frey, Inigo, Raven, Ace, Steven, Lolo Jerry and Cloud, lumabas ako ng bahay. Nakapag-luto naman ako ng agahan nung dalawa.
Gumising talaga ako ng maaga dahil may aayusin pa sa gym. Kung bakit naman kasi nag-volunteer sina Frey na kami na mag-oorganize ng school party.
Nag-commute na lang ako. Natuto ako magcommute kahapon lang nung late kami umuwi ni Nadine and wala naman dalang sasakyan si kuya. Coding.
Tinago ko sa may dressing room ng gym yong mga regalo ko nang makarating ako sa school.
5 PM ang start ng party pero since kami nga ang organizer, kelangang maaga kaming pumasok. Hindi ko na hinintay si Nadine kasi baka Makita niyang may gift ako sa kanya .Yahaha.
Pagkatapos kong kumain for breakfast, isa-isa ng dumating sina Nadine hanggang sa complete na kami. Humingi kami ng tulong sa school maintenance para mapadali pag-aayos sa gym.
Mula sa stage, decors, table and chairs. big screen, confetti, food and drinks eh naplano na namin.
Sa stage, andun yong big screen na may nakasulat na Merry Christmas and Happy New Year. Sa lawak ng gym, nagkasya dun yong mahahabang table with twenty chairs each. Color red ang cloth para sa table and color green naman sa chairs. May white ribbon pa sa likod ng bawat chair. We made sure na kasya lahat ng studyante ditto. Kenailangan pa naming kunin yong list of students per classroom para masiguradong lahat ng student eh may mauupuan.
And since bongga naman talaga sa lawak ang gym namin, may space pa for games and dance for all.
Inayos na din nung mga tauhan ng school yong lights, confetti and fireworks.
Mga cook na bahala sa table settings and food.
"Mack, alika muna." tawag sakin ni Cloud.
Tutal tapos na ako sa ginagawa ko, lumapit ako sa kanya.
Nilabas niya panyo niya tsaka pinunasan noo at mukha ko.
"Pawisan ka na.."
Sino naman hindi pagpapawisan sa dami dami ng ginagawa!!!
After nun eh inabutan niya ako ng juice.
"Thanks."
Ang caring niya! :)
Syempre kinikilig din daw naman ako pero hindi ko pinapahalata, mahirap na. Bwisit tong lalaking to, kahit pawisan na... ang gwapo pa din tas mukha pang fresh! Punyatera...
Inalok ko din siya ng sandwich na tinanggihan niya. Heks! Pinilit ko pa din siya at sinubuan ko na lang na tuwang-tuwang kumagat sa sandwich na para sakin dapat. Arte naman kasi eh gutom naman pala. -_-
After niyang kumagat, kinuha niya sandwich sa kamay ko at ako naman sinubuan niya. Wow. Lalanggamin na kami ditto.
"Ang kalat mo kumain, may kalat sa gilid ng lips mo o." aniya habang tatawa-tawa.
Malamang yong butter ng sandwich.
Aalisin ko na sana nang nilapit niya mukha niya sa mukha ko... Caught off guard, natigilan ako... naramdaman ko na lang na hinalikan niya gilid ng labi ko...
or am I dreaming? pero hindi eh! naramdaman kong hinalikan niya ako!
Ano gagawin ko?!!
He just smiled at my horror... gago to ah..
"You're solidified, missy." he teased.
I just stared at him... "...anong ginawa mo...?"
He shrugged while smiling tas naglakad na palayo. "Love you!" sigaw niya nang tuluyan nang makalayo...
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Dla nastolatkówNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...