chapter 23

3K 70 2
                                    

enjoy!

===========================================================================

Mack's POV

Monday. 5 AM

I'm more than excited to wake up, I dunno why. Mas nauna pa ako sa alarm clock ko.

Throwing my comforter, I pushed myself out of the bed. Madilim pa sa labas though I can see small light from the rising sun.

I sighed. Time to go back to reality. Gotta go to school. Gotta face those damn instructors and our missed exams and of course... gotta face the devil, Cloud.

Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko pag nakaharap ko na siya. Baka masapak ko siya, pwede ding baka wa-epek lang drama ko but I'm sure of one thing... Never will I treat him the same again. He broke my heart, I'll break his life. But no... Hindi ako ganun kasama katulad niya... I'll just give him cold treatment but the question is... Can I?

Pumasok ako sa bathroom para maligo. After twenty minutes, lumabas akong bathrobe lang suot. I browsed my cabinet looking for my uniform. I decided to wear it properly from now on.

I glanced on my reflection after dressing up. Maayos at malinis akong tingnan. I made a face. It really doesn't suit me but hey... it's different. Mula sa naka-ponytail kong buhok, naka-ayos kong necktie, down to my ironed skirt and to my shoes na hindi na converse. Pero joke lang, ayoko talaga sa may heels na sapatos kaya sinuot ko uli yong bagong bili kong black and blue converse.

I nodded at my reflection then turned around to fix my things. Nagkalat mga books and notes ko dahil nagreview ako kagabi. Ha! Nag-aaral na ako ateng! Isa-isa kong inayos sa loob ng backpack ko ang mga yon tsaka binuhat pababa sa kusina. I'm starving!

Naabutan kong kumakain na si Nadine and she's dressed na din.

"Mornin' pretty!" bati ko sa kanya bago lagyan ng cereals ang bowl ko.

She nodded. "Morning best. Nag-review ka?"

"Yep. Mahirap na eh. Baka mabagsak sa midterms, lagot kay erpats."

"Yan tayo eh." she chuckled. "Paano na pala yong pekeng medical certificates natin?" natatawa pa ding tanong niya.

Kelangan namin ng medical certificate para ma-excused kami sa mga araw na hindi kami nakapasok. Syempre, bilang pro na sa kaka-absent ko sa school ko nun dati, natuto akong pumeke ng medical certificates kaya nagawan ko kami ng kanya-kanyang certificate. At sabi ko nga professional ako sa kabulastugan kaya't mukha naming kapani-paniwala yong mga nagawa ko. So proud!

Nag-thumbs up ako sa kanya. "Para naming hindi mo ko kilala niyan--" I grinned. "Ako pa, eh starring ata to." turo ko sa sarili ko.

She gave me a high five. "Idol!"

Patapos na kami nang pumanaog na din sa wakas si Steven. And he's... Ano nangyari sa isang to...?

He's looking... great. Nag-shave siya ng balbas so ang linis linis niyang tingnan and bagong gupit din siya kahapon so he's really clean. Maayos ang suot niya and his wearing his new Jordan shoes din. Wow. Magkapatid nga kami ng isang to. Change is new for the both of us.

Parehas pa kaming naka-turo sa isa't isa. "You're...new." comment niya.

"Same with you..." I countered.

Then we both grinned.

"OMG! Oo nga noh, you guys are proper now..." malakas na sabi ni Nadine sa likuran ko. We gave her a WTF look.

We left early for school. Steven, of course, is our driver still. Naka-loud volume pa kami habang nasa daan. Napapatingin tuloy yong ibang motorista samin. May sumita pa ngang matanda samin but we just zoomed off.

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon