[Cloud’s POV]
Katatapos ko lang maihatid si Nicole sa bahay nila.
Pambihirang ulan to, walang pakisama… purnada tuloy yong lakad sana namin. Idagdag pang nakalimutan ko si Mhaica sa school. Hiniram ko cellphone niya dahil lowbat na dalawang cellphone ko… actually, hindi hiniram… tinakbo rather. Na-guilty pa ako. Nilowbat ko cp niya.
Kung hindi pa ako tinanong ni Nicole kung bago na naman ba daw cellphone ko uli, hindi ko pa maaalalang baka naghihintay pa din si Mhaica.
And boom! Sumulong na daw sa ulan sabi ni Ace. Siya pinasundo ko. At mukhang hindi okay si Mhaica dahil pinapapunta ako ni Ace sa kanila. Emergency daw about kay Mhaica. Boy… this ain’t my day.
Sunod-sunod akong kumatok sa pintuan matapos kong i-park sa garahe nina Ace ang kotse ko. Agad naman akong pinagbuksan ng katulong nila. Si Ace lang ang nandito maliban sa tatlo nilang katulong. Out of town ang mother nito… well, mukha namang lagi.
“Nasa guest room po sila, sir.” Sagot nung katulong sa tanong ko kung nasan sina Ace.
Mabilis akong umakyat sa second floor tsaka tinungo ang guest room. Nakabukas ang pintuan at una kong nakita si Mhaica na balot na balot ng kumot at may kung ano sa noo niya. Tulog.
Tumingin ako sa sofa, andoon si Ace. Tahimik na natutulog din. Dahan-dahan akong pumasok tsaka sinara ang pintuan.
“C-Cloud?”
Nagising ko pa si Ace. Haist. Matinik talaga pakiramdam nito.
“Hey… thank you—“
“Ang gago mo! Paano mo nagawang iwan si Mack doon, Cloud?! Basang basa yong tao nung mahanap ko sa kalye! At yan, dahil sa taas ng lagnat, nawalan ng malay sa kotse! Babae yan, brad! Tapos iniwan mong mag-isa?! Paano pag hindi ko siya nahanap? Paano pag hinayop yan sa daan?! Nag-iisip ka ba Cloud?!” malakas na bulong nito para siguro hindi magising si Mhaica.
Nalunok ko dila ko. Wow. Galit na to. I should know, ganito si Ace pag galit. Hindi ko inaasahan to pero aminado naman akong may kasalanan ako.
“Pasensiya brad. Hindi ko namalayang—“
“Ganyan ka naman eh! Pare, sana naman naisip mo man lang na pauwiin na lang siya kesa paghintayin mo ng ilang oras sa school! At bro, ipapaalala ko lang, kapatid yan ng karibal mo. Hindi na ako magugulat kong bukas makalawa… basag yang bungo mo.” Sabat na naman nito tsaka walang paalam na tinungo ang pinto. “Bantayan mo. Tutal kaw naman gumawa niyan sa kanya.” Yon lang at nawala na to.
Napabuga ako ng hangin. Wow.
Ano nga ba kasing inisip ko at hindi ko man lang naalalang naghihintay siya. At malay ko bang maghihintay talaga siya? Pwede namang umuwi na lang siya nang matagalan ako sa pagbalik… Napapikit na naman ako ng mariin ng maalalang nasa akin nga pala pera niya. Kasama nga pala sa case ng cellphone nito ang pera niya.
Stupid me.
Pumalit ako sa pwesto ni Ace kanina. I’m exhausted. Pero mas kawawa naman yata tong babaeng to sa harapan ko.
“…nawalan ng malay sa kotse!”
Inapoy siguro ng lagnat. Kaw ba naman magbabad ng ilang minute o oras pa ata sa ilalim ng malakas na ulan. At hindi naman ako ganun ka-cold para hindi makaramdam ng awa para dito. Syempre andun din yong guilt.
Paano na naman kaya kami nito sa mga susunod na lessons naming? Baka excited pa itong huwag akong turuan. Huwag naman sana, siya lang pag-asa ko sa mga subjects ko. Iba pa rin kasi ang isang to pagdating sa pagtuturo… mas naiintindihan ko kaya ang lakas ng loob kong hindi making sa mga lectures ng mga pesteng gurong yon tuwing discussions.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...