chapter 36

2.8K 58 0
                                    

Mhaica’s POV

“There’s only one last way…”

Napalunok ako. Mas marami na akong hawak na kopya nung tests na ginawa nila sakin na hindi ko naman maintindihan. May mga blood tests, urine tests, may x-ray pa tsaka mga kung ano anong medical tests.

I took a deep breath. Binitiwan ko ang clipboard tsaka tumingin sa kanya. “Operation…?”

Tumango siya. “Lumaki na ang spleen mo. Apektado mga glands ng katawan mo… Kelangan tanggalin. Medyo apektado na din yang puso mo kaya paminsan minsan eh sumisikip yang dibdib mo. Hindi ka din makahinga, tama?”

Tumango ako. “Minsan.”

Kinuha niya ang clipboard. “Adi ano nang plano mong bata ka? Alam na ba to ng mga magulang mo?”

Umiling ako. “Kaya nga po ikaw nilapitan ko kasi pag si tita Isabel, panigurado pauuwiin niya si papa.”

“Pasaway.” Ginulo niya buhok ko. “Kelangan mo na din namang sabihin kasi hindi mo kakayanin ang gastos tsaka kelangan ko din kausapin ang tatay mo. Naiiba kasi tong case mo. Lumaki ka namang normal at parang wala kang ganitong sakit…”

“Hindi din naman masasagot ni papa yong itatanong mo kasi hindi ako sa kanya lumaki. Tsaka alam mo namang wala na si mama.”

Napasipol siya. “Tsk. Edi hindi natin magagamit bone marrow ng mama mo… Kelangan natin maghanap ng donor na magmamatch sayo para hindi mo na kelangang mag-blood transfusion.”

Napakamot ako sa batok. Eto na nga ba sinasabi ko. Dito magkandaletse letse… sa paghahanap ng donor o mapagkukunan. Pwede sa mga closest relative pero hindi ko naman kilala karamihan sa mga relative namin at kung maghahanap naman sa iba, mahirap kasi kelangang match.

“Sabi ko na Malabo eh…” bulong ko.

“That’s why you’ll be needing help…” Tumingin siya sakin ng diretso. “ Ipasabi mo, wag mo sarilihin. May mahal ka sa buhay, tama? Tingin mo matutuwa silang sinasarili mo to? Pano kung bigla kang… nawala? Tingin mo hindi sila masasaktan? Mas masasaktan pa sila knowing they could’ve help kung sinabi mo sana…”

Cloud popped in my mind…

“Tell them, Jammaica. Trust me, it will be for the best…”

 

Cloud’s POV

“Are you okay? Tahimik ka…” tanong ko ‘kay Mack nang hindi siya umiimik. Tahimik lang siyang nakatingin sa kung saan at hindi nakikinig sa teacher.

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon