[Cloud's POV]
Nag-aapakan ng paa.
Nagsisikuhan.
Nagtutulakan.
Nagtititigan ng masama.
Ito lahat mga pinaggagawa namin ng pangit na to sa mga oras na magka-upo kami sa klase. Nagugulat pa nga ako sa lakas at tibay nito. Masakit umapak to sa paa. Halos patay na ata mga kuko ko sa paa.
Halos mahulog din ako sa kinauupuan ko kapag nanunulak to pero madalas siya ang tumitilapon sa sahig na lagi ko namang tinatawanan. Pero kapag gumanti to, matindi. Minsan naisip ko baka naman tibo to?
Ang lakas pa ng loob na magsuot ng converse sa classroom. Bawal dapat yon.
Tumingala ako sa wall clock. Twenty minutes pa before lunch. Hinang hinang napabuntong hininga ako. Bigla namang tinakpan ni asungot ilong niya. Ano na naman kaya problema nito?
Tiningnan ko siya sabay taas sa isa kong kilay.
"Ambaho ng hininga mo! Nakaka-pollute ng mundo!" reklamo nito.
Tingnan niyo! Ang sahol talaga ng ugali nito! Sarap pingutin!
Kunting galaw ko din kanina eh sinabing tumigil daw ako kasi konti na lang daw eh lilindol na. At huwag ko din daw itataas kamay ko kasi umaalingasaw daw ang kabantutan. Yan mga words na exactly niyang ginamit. Ang dugal!
At ngayon sasabihin niyang nakaka-pollute ng mundo ang hininga ko?!
Sa inis ko, hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso sabay harap ng mukha niya sakin at sunud-sunod akong huminga through my mouth. Inhale. Exhale.
Napa-pikit siya sabay pilit na kumawala. Pero syempre, mas malakas naman ako kaya wa epek mga moves niya.
"Hinayupak ka! Mamamatay-tao yang hininga mo! Tumigil ka na!" malakas na bulong nito.
Hindi to makaka-sigaw dahil kanina pa kami pinagsasabihan ng teacher na tumigil na sa bangayan namin. Isa pa daw at palalabasin na kami.
"Well, hindi ka naman tao kaya bagay mo yan, pangit!" hirit ko naman.
Nagpumiglas pa din siya. "Bakulaw ka! Tama na!"
Ha! Sumuko din!
Ngising-aso ako habang binibitawan siya.
Napa mura to nang mabitawan ko na. Hinihimas niya mga braso niya. Napalakas ata grip ko dahil namumula mga yon. Maputi pa naman siya kaya halata.
'Sorry' bulong ko na lang sa utak ko. Hinding hindi ko yon sasabihin mismo sa kanya!
Riiiing!
Napa suntok ako sa hangin ng marinig ko yon. Lunch break!
Hindi agad tumayo si asungot at hinihimas pa din mga braso niya. Bahala siya. Lakas kasi ng topak eh.
Hinablot ko na lang bag ko sabay layas.
"Loves, tara na!" sigaw ko kina Raven at Ace.
Sa mga time lang na hindi class hours ko sila tinatawag ng ganun. Pepektusan kasi ako ni Raven. Respect daw. Haha. Class president kasi eh. Kaya si Ace lang natatawag ko ng ganun.
Don't get us wrong. We're not gay or something. Nagsimula pagtawag-tawag naming magbabarkada ng loves to each other nang laging nasasampal si Frey ng nililigawan niya dati tuwing tinatawag niya ito ng loves kaya inaasar namin siya sa pagtawag namin sa kanya ng 'loves' hanggang sa makasanayan na din naming itawag yon sa bawat isa samin sa barkada.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...