Enjoy!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mack's POV
Waking up, I felt the pain shot through my side.
"Shit!"
Hindi ko malaman kung ano yon. Pero sa sobrang sakit, pinagpapawisan na ako. Ni hindi ako makapag-isip ng maayos. Humiga na lang ako habang umaasang mawawala din to mayamaya.
Almost an hour din akong nagtiis bago paunti-unting nawala ang sakit. Kinapa ko ang cellphone ko sa bedside table. 6: 12 am na.
I groaned. Ngayon ang back to school namin. Excited man, parang tinamad na akong pumasok nang maramdaman kong nanghihina pa din katawan ko. I can barely move my ass.
Bumalik uli atensyon ko sa screen ng cellphone ko nang mag-vibrate yon. Text message...--- from Cloud.
Wala sa sariling ngumiti ako.
Good murning, beautiful! Excited to see you...
Napa-iling na lang ako.... Cloud....
Hindi pa napapa-park ni kuya ang sasakyan eh naka-abang na si Cloud. My brother honked.
"Aga natin ngayon a.."
Cloud smirked then proceeded to open the door for me nang patayin na ni kuya ang makina.
"Good morning" bati ko habang naka-plaster ang ngiti sa mukha ko.
He kissed my cheek. I heard someone's cleared his throat.
"Wag mo manyakin kapatid ko, manyakis." sabi ni kuya pero halata naming hindi siya galit.
"Hayaan mo na sila..." saway ni Nadine sa kanya.
"Che! Isa ka pa. Ayun yong prince charming mo o! Mamanyakin ka din nyan..." aniya sabay nguso kay Ace na nakatayo din sa tabi ng sasakyan niya. "Maka-alis na nga. Mga wala kayong class, Ace! Dito pa talaga kayo mamanyak!" tumatawang pang-aasar niya.
"Kuya!" saway ko sa kanya pero ewan kung narinig niya yon dahil hayun at inagawan niya ng bola yong mga freshmen na naglalaro ng basketball sa grounds.
Lumapit naman si Ace at yumakap kay Nadine tsaka sakin pero agad din akong hinila ni Cloud. "O tama na, loves. Alam na niya. Na-miss mo siya...."
Ace poked his tongue out kay Cloud. Tatawa-tawang binatukan siya ni Cloud.
Sa classroom ko na nakita sina Frey, Inigo at Raven na himalang hindi naman suot yong salamin niya. I grinned. "Gwapo natin a..."
Raven smiled then gave me a hug. Yumakap din sina Frey at Inigo na sabay hinila agad ni Cloud. "Huwag masyado yakapin..."
Frey chuckled, Inigo rolled his eyes and Raven made a face. "Retarded..." bulong niya.
"Narinig ko yon!!"
Tumatawang niyakap ko na lang si Cloud..
Lunch time. Nagdecide si Cloud na kami lang dalawa sa isang table. Bubulung-bulong naman sina Frey.
Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako paupo. "Kelangan talaga tayo lang?"
"Oo. Eh hindi ka titigilan ng mga yon pag magkakasama tayo... hindi kita masosolo." he grinned.
"Sira..."
"Kahit na. Mahal naman kita."
Ngumiti na lang ako kasabay ng pagtayo niya para umorder ng pagkain namin. Habang hinihintay ko siya, nilibot ko tingin ko sa buong food court. Mukhang may nagbago... then I noticed na naglagay sila ng ilang flat screen tv sa iba't ibang pwesto. So yon pala yong maingay... I grinned. Umaasenso ang food court.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Genç KurguNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...