Cloud's POV
Back to school! Second sem. Heeeeyaaaaaa!
This time, classmates kaming lahat-- Ako, Ace, Raven, Frey, Inigo, Nadine and Mack. At syempre dahil bigatin ako ditto sa school, ako na nag-arrange ng seat plan sa classroom. I made sure na tabi-tabi kaming lahat and Mhaica's next to me. :)
Before kami magbalik school... I talked to Nicole. Ended what we have and pumayag naman siya pagkatapos niyang akong laitin. Lintik.
I announced pa sa grupo yong break-up namin... proudly!
Tahimik lang ako habang minumura niya ako nun. It's for the better naman. Wala naman napupuntahan relationship naming at wala akong balak na pakisamahan pa siya ng matagal.She's full of jealousy and wala siyang tiwala sakin. I tried fixing naman pero she pushed me away. And kahit kami pa, lumalabas pa din siya with other guys. She cheated on me. And tao lang ako na nahihirapan din and upon realizing na nabaling na sa iba damdamin ko... I let go of her. Parehas lang kami masasaktan .... I don't love her. I didn't love her pero I know I cared for her... once.
Napatigil ako sa pagda-drama nang turn na ni Mack na mag-introduce. Yep, nasa introduce yourself part pa lang kami and hindi ko gets kung bakit kelangan pa to eh halata naming kilala na ng mga tao ditto ang isa't isa.
After introduction.... group work. Psssh! Agad-agad. Syempre groupmates kaming lahat.
During lunch naman, sabay-sabay kaming kumakain sa foodcourt. I must say... I'm enjoying. Eh sa lagi ko ba naming kasama ang babaeng gusto ko. San ka pa!
Kahit hindi ko na siya tutor, she always explains the topic sakin if may hindi ako makuha. She's that good. Mas magaling pa sa teacher mag-explain.
"Okay na?" tanong niya sakin.
I nodded. "Yep. Thanks."
"Welcome."
Inayos na niya mga gamit niya. And dun ko lang napansin na suot niya yong bracelet na gift ko sa kanya nung nag pool party kami sa bahay.
Bagay niya. :)
She gave me something din. Earing. Haha! Bawal dapat ang ear piercing sa boys sa school pero suot ko yong isang earing na bigay niya. It's supposed to be pairs kaso binalik ko sa kanya yong pair. So we're wearing the same. Mehehe.
"Mack?" tawag ko sa atensyon niya.
"Hmm?" tumingin siya sakin habang nakataas dalawang kilay niya.
"Thank you."
Her eyebrows narrowed. "Para san?"
I shrugged. "La lang. Thank you.... and...." I trailed off...
She angled her neck. "And...?"
"And I like you... very much. You know that, don't you?" diretsong sabi ko. Ngayon ko na sasabihin! malamang mawalan na naman ako ng lakas ng loob the following days.. baka hindi ko masabi.
She blushed. And parang nanigas siya sa kinauupuan niya. Loka naman to. Yon na reaction niya?
"Mack!"
Gulat na kumurap siya. "O?"
"Sabi ko, gusto kita! Alam mo naman yon, di ba?"
Imbes na sumagot siya eh nakuha pa niyang tumingin sa likuran niya.... Balasubas na babae to.
"Ano tinitingnan mo jan?" tanong ko.
Binalik uli niya tingin niya sakin. "Baka kasi hindi ako kausap mo. Baka hindi mo sakin sinasabi yan..." aniya.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...