enjoy!!
forgive any errors... :D
-=========================================================
Maaga akong nagising para tapusin yong mga requirements ko sa school. Madami-dami din kasing pinapagawa yong mga teacher na yon. Peste.
Malapit na ang finals. Whew. Matatapos na ang 1st sem.
Speaking of that... matatapos na din pagtutor ko kay Cloud at baka payagan na siyang umalis ng school para sa university.
Napatingin ako sa wallpaper ng laptop ko, picture ni Cloud andun... Parang tongek na ngumiti ako. Pero bigla ding nawala ng maisip kong baka nga aalis na siya sa school. Pffft!
Malaki na din pinagbago ni Cloud simula nung unang araw na tinuruan ko siya. From being suplado, demonyo, vain at kung ano-ano pang masasamang salita eh naging responsible, maaral, friendly at top ranking na ang isang yon. Open na din siya sa ibang tao at hindi sinusungitan yong mga taong gusto siyang makilala o makalapit sa kanya. Well, observation ko yong mga yon. And sana nga, tuloy tuloy na yon.
Saktong 5:30 AM nang bumaba ako sa dining for breakfast. Si kuya nakatokang magluto ngayon.
"Morning, sissy." bati niya sakin habang nilalapag sa lamesa ang platter ng kanin.
"Mornin bro. Si Nadine?"
"Malamang baka tulog pa."
"Gigisingin ko." kako.
Pagpasok ko sa kwarto niya eh, andun nga at sarap na sarap sa pagtulog. Hawak-hawak pa niya cellphone niya.
Sino naman daw kausap nito bago matulog.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at sinilip ang cellphone niya. I smirked nang Makita ang pangalan ni Ace sa screen. Ace pala ha.
"Hoy Nadine! Gising! Nandito na si Ace!" malakas na sigaw ko.
Hindi naman magkandatuto si Nadine sa pagbangon. Nalaglag pa siya sa kama.
"Asan? Oi, hindi pa ako nakapag-ayos, wag mong papapasukin. Saglit lang... Wait..." sunod-sunod na sabi niya hanggang sa mauntog sa pader.
Gumulong ako sa sahig sa kakatawa. And finally, narealized niyang niloloko ko lang siya.
"Macky naman eh!!!" inis na pinalo niya ako sa balikat. "Akala ko tuloy andito talaga siya! Eish!"
Todo pa din ako sa pagtawa hanggang sa pumasok si Steven at sinaway kami.
"Anong Ace yan? Mga ilusyonada kayo! Kakain na! Alina kayo..." parang baklang hinila pa niya buhok namin ng dahan-dahan papuntang dining.
Tatawa tawa pa ako nang maka-upo kami. "Ano ba yon, Mack?" nakadikit ang mga kilay na tanong ni kuya.
Umiling uli ako sabay turo kay Nadine. "Na-un...na-untog... siya--sa pa--pader!" hindi makaget-over na sagot ko.
At sa lakas ng imagination ni Steven, inihit na din siya ng tawa at pinagpapalo pa ang mesa.
Lukot na lukot naman mukha ni Nadine habang naglalagay ng kanin sa plato niya.
"Kasi sabi mo andito si Ace, nagulat pa ako. Kakagising ko lang tas yon na sasabihin mo. Aish! Buti na lang, wala talaga siya ditto." nagmamaktol na defense niya.
Inihit uli kami ni Steven ng tawa sabay ng pagbato samin ni Nadine ng balat ng saging.
"Uy, okay na ba lahat ng requirements ng mga teacher niyo sa inyo?" tanong ni Steven habang nagmamaneho. Medyo mabilis takbo namin dahil male-late na kami. Kung hindi naman kasi sa kakatawa namin adi hindi pa sana nabulilyaso yong pagkain namin at maaga sana kaming naka-alis ng bahay kaso si Steven kasi. Tatawa-tawa kaya hindi kami nakakain agad.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...