chapter 8

3.6K 95 1
                                    

[Mhaica’s POV]

Ilang araw na din lumipas na laging ganun drama sa lintik na new school ko. Kakapagod din and I’m losing my mind sa Cloud na yan!

Kaya ngayon, andito ako sa kwarto at nagrerelax habang nakikinig ng music. Haist. Buhay. I’m so bored.

Knock Knock.

“Shoo!” sigaw ko. Inaabala niya katahimikan ko.

“Mhaica…”

Shet. Si papa.

“Sorry po! Pasok!” bawi ko agad.

Pumasok to. Umupo siya sa upuan malapit sa computer desk sabay tingin sakin. Mukhang seryoso. Ano na?

Pasisibatin na ba ako sa bahay na to?

“Kumusta school?” tanong nito.

Sinasabi ko na nga ba. Hindi tatagal mga to sakin.

“Okay naman po. Nag-aadjust pa din pero ayos lang naman po.” Sagot ko.

Tumango-tango ito.

Ilang segundo din itong naka-tingin lang sa sahig. Ano problema?

“Papa… is there something wrong?” tanong ko na.

Tumingin to sakin. “I dunno if this is good news or bad but… my client, you know him right? He’s a Filipino-Canadian. Businessman and the building he wants will be placed in there or something like that. And he’s asking me to go with them. It’ll take a year or more to finish the project but the pay is good—“

“That’s cool, papa! Magiging part ka ng building na itatayo dun. That’s something to be proud of, pa. And who knows, maybe start na yon ng mga iba pang international projects niyo.” Sabat ko.

“Yeah but that means I’ll be leaving you guys here. And that’s hard for me. And there are you, we only spent few weeks together. I think I’ll just reject the offer.” Sagot din nito.

Pero masyado niyang pinaghirapan yong project na yon. Halos inuumaga na nga siya sa pag-gawa ng mga reports at kung ano-ano pa para lang dun tas ititigil niya lang? Parang dehado naman.

“Pa, okay lang naman sakin. Sanay na ako. Isipin niyo na lang po na para naman sa kinabukasan nating lahat yong gagawin niyo, lalo na sa amin nina Steven at Ian. Kaya papa, tanggapin niyo na. Minsan lang dumating yang mga ganyan. Besides, one year? Mabilis lang yon. The next thing you know, magkakasama na ulit tayo.” Paliwanag ko.

Huminga siya ng malalim.

“Maribeth owns a house there. Uhm my plan was to bring her and Ian with me. Both you and Steven will stay because of your studies. I’ll just transfer Ian there. But that’s unfair for you…”

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon