chapter 5

4K 90 5
                                    

[Mhaica’s POV]

“Mhaica, dumating na pinatahi ni mom na uniform mo. Come see it!” sigaw na naman ni Steven mula sa baba. As usual. Hindi ata to mabubuhay ng hindi sumisigaw.

“Andiyan na!” sigaw ko din.

Nilapag ko gitara sa kama bago ako lumabas ng kwarto.

Uniform. Pssh!

Alam ko ng hindi ko magugustuhan yong damit na yon. White long sleeves with white and black na neck tie, black blazer, black skirt na 2 inches above the knee ang haba tas black na medyas hanggang sa binti.

Ano kaya yon? Damit panlamay? Pshh!

“San na?” tanong ko sa kanila nang nasa sala na ako sa ibaba.

Nginuso ni Steven yong sofa. May naka-supot na damit dun.

“Fit it. I wanna see how you look in those.” Excited na sabi ni tita Maribeth na naka upo pala sa may bintana at gumagawa ng lesson niya.

“Ahh sige po.”

Kinuha ko mga damit tsaka pumuntang CR para magpalit. Blouse muna. Then skirt. Then finally yong blazer.

Lumabas ako at pumuntang sala uli.

“Jesus! You look good in that.” Komento ni tita Maribeth na binitawan na ang ballpen at lumapit sa akin.

“Nice one, sis.” Sabi ni Steven kahit hindi naman tumingin sakin. Sira. Naglalaro sila ni Ian ng play station samantalang nasa town naman si papa dahil may kliyente sila.

“Okay, you’re all ready for school tomorrow, dear.” Excited uli na sabi ni tita Maribeth.

Okay po tita, kayo na lang mag-aral.

Naka bili na kami kahapon ng mga school stuff ko. Backpack, notebooks, pens, pencil, sketchpad.. hehe hilig ko kasi mag-drawing kaya nagpabili na din ako para may magawa ako pag boring ang subject or yong teacher.

I kn-kn-know a girl

She gets what she wants all the time

Cause she’s fine

But for an angel, she’s a hot, hot mess

Make you so blind

But you don’t mind

Ha! Ano yon?!

Alarm clock mo, baliw! Sigaw ng utak ko.

 

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon