oh hello!! :))
=================================================
Pinagbuksan ko ng pinto si Mack. Siguradong umuusok na ilong nito dahil maingay sa loob at hindi ko masyadong marining na may kumakatok. Hindi ko naman maasahan mga katulong dahil nakabakasyon sila for two weeks. I dunno what’s with my lolo at pinabakasyon sila.
I gave her a crooked smile. “Pasok. Sorry, it took so long.” Hinging paumanhin ko.
“Sino yan, loves?” sigaw ni Frey mula sa loob.
Nasa may sala lang kami dahil andun yong drums at binaba na lang naming yong ibang instruments.
Umikot mga mata ni Mhaica tsaka tinabig ako unti para makadaan siya.
Walang anu anong tinulak ko din siya.
“Cloud!” hiyaw niya.
Binelatan ko na lang siya tsaka ko sinara ang pintuan.
“Hi Mack! Ano yang dala-dala mo?” narinig kong tanong ni Ace.
May dala siya? Hindi ko napansin. Kaya malamang umuusok ilong kasi may buhat buhat. Napagod ata kahihintay sa labas.
“Meryenda.” Mahinang sagot nito.
Meryenda? Aanhin naming yon?
“Para san?” nagtatakang tanong ko sabay kuha sa hawak niya.
Isang katamtamang container iyon na may lamang baked goods.
Umangat mga kilay ko. “What are these?”
She made a face. “Pagkain, malamang.” Sagot nito sabay upo sa sofa.
Nagsilapitan naman mga barkada ko pagkarinig sa salitang pagkain.
Mga palamunin!
Isa-isang kuha ang mga to ng cookies.
“Sarap, Mack! Gawa mo?” tanong ni Frey.
Parang nahihiyang tumango to.
Akmang kukuha din sana ako ng cookie ng hablutin ni Iñigo ang container at tinakbo nila sa kabilang side kung nasan andun mga musical instruments naming. Mga buwang talaga!
“Hoy loves! Wala namang ganyanan!” sigaw ko.
“Kepoy ka kasi eh..” bulong ni Mack.
“Kepoy?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...