Pupungas pungas akong bumangon. Antaas na ng araw. 10:00 AM na.
Ampuga.
Kasalanan ni Steven to eh. Sira ulo din yon eh. Naalimpungatan pa ako kanina sa sigaw ni tita Maribeth na male-late na daw siya sa school.
Kinapa ko cellphone ko kung saan saan. Wala.
Hala!
Pabalikwas akong bumangon… may kung anong bagay na nalaglag. Sumilip ako sa paanan ng kama. Cellphone ko!! Buti na lang may carpet sa buong kwarto.
Ten messages. Lahat ay galing sa mga barkada ko sa Maynila. Tatlo ay galing kay Nadine. Tinatanong kung san na ako napadpad. Yong iba naman eh tinatanong kung totoo ba daw na drop na ako.
Hindi naman halatang tuwang tuwa sila ano? Bully kasi ako sa school pero pinipili ko mga binubully ko. Yong mga matataray at mayayabang lang. Ilang beses pa nga akong napapabisita sa principal’s office dahil sa mga kalukohan ko. Maka ilang beses na din akong nasuspend sa klase.
Ambait ko kasi masyado.
Matapos kong replyan si Nadine, diretso akong pumasok sa banyo para maligo. Brrr! Lamig ng tubig. Bango naman daw ng shampoo, DOVE.
Matapos maligo at magsipilyo, lumabas ako ng banyo at nagkalikot ng maisusuot. Gray na sweatpants at loose na tee shirt na may mukha nina Mario at Luigi. Hindi na ako nagsuklay, ewan ba, pag nasa bahay ako eh hindi ko ugaling nanunuklay. Di bale, hanggang sa dibdib lang naman haba ng buhok ko.
Pagbaba ko sa dining area, nakahanda na agahan ko. Handa na din plato, kutsara at baso na naka ayos sa place mat.
I smiled. Ngayon lang nangyari to. Karaniwan na kasing ako ang naghahanda ng pagkain para sa lahat.
Pero asan naman daw mga tao dito?
“Oh! You’re awake. Good morning!” bati sakin ni papa na ewan kung san sumulpot. Nakapambahay lang ito.
“Good morning din po.” Tugon ko. “Kain na po.”
Tumango ito. “We’re done already.” sabi nito bago ngumiti.
Umupo na lang ako at nagsimulang lagyan ng kanin plato ko. “Si Ian po?” tanong ko uli.
“School. I’ll fetch him later. His class will end 12 noon.” Sagot nito mula sa kusina.
12 noon? Kinder.
“How old is he po?” tanong ko uli bago sumubo.
“Four.”
Anlaki ng agwat namin!
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...