"Aahhhh!" she screamed.
At siya pa ang may dramang sumigaw?! Ha!
Naka-towel lang siya na hanggang mid-thigh ang haba. Well, hello! Buti nga may suot siya!
Nang maisip na wala nga talaga akong suot at nakahantad sa kanya ang armas ko--- mabilis pa sa palos na hinila ko siya palabas para makapasok ako sa loob ng banyo.
"What the hell--Cloud?!"narinig kong buga nito sa labas.
"What?!” sagot ko. “Kulang pa?!"
"Ha?" humahangos na tanong niya.
I rolled my eyes. "Nabitin ka sa nakita mo?!" asar na revise ko sa tanong.
"Wha--- For the love of God, Cloud! Yuuuuuuuuck!" sigaw uli niya.
I made a face even though she can’t see it. "Ikaw pa talaga dehado sa'tin?! Hoy Mack, kwarto ko to at teka nga, bakit ka ba kasi nandito?!!"
"Dito ako dinala ni manang! And why are you here so soon, perve?!" atungal niya.
Pigilan niyo ko! Mafa-flush ko tong babaeng to!
"I thought manang brought you sa guest room?!" tanong ko.
"No! Ikaw Cloud, napaka pervert mo! Hindi mo man lang ako binigyan ng kahit thirty minutes to do my thing! Agad agaran kang pumapasok! Oh my! You're... you're a ---"
"--Sorry okay?!” sabat ko para tumigil na siya sa kakabunganga niya. “I didn't know! Ang alam ko nasa guest room ka. Urgh! Don't you dare tell this to anyone, I'll drown you!" nahihiyang banta ko.
"As if I saw everything! Eww!” she countered. “What am I saying..." bulong din niya maya-maya then I heard footsteps walking away.
Bangag na inopen ko yong shower. Damn that lady! Ano pa kayang mapapala ko with her in my property…worse, in my life?
Honestly… I have no idea.
But I kinda feel free around her.
[Mhaica’s POV]
8 PM
“Welcome ladies and gentleman! Tonight will be the most awaited battle in this year! Excited? Of course, I know you guys are so what are we all waiting for? Let’s start—the BATTLE OF THE BANDS!” sigaw ng host which is I think a rocker---
Pumailanlang and rock music tsaka isa-isang pinakilala ang mga banda na sa tingin ko ay mostly made out of guys.
“Sesame Band!”
Tilian mga babae sa likod. Mga supporters siguro ng band na to. Kung ako lang, hindi naman sila ‘yong kagwapuhan pero malakas ang dating nila tsaka may angas.
“Street Mix!”
Sabay-sabay na nag-bow ang grupo na may apat na lalaki at isang matangkad na babae na naka-paa lang at ang gulo ng buhok niya pero she’s smoking hot and gorgeous. Malakas din mga palakpakan lalo na sa may bandang harapan.
Well nasa medyo harap din ang pwesto namin—me, Nadine at ilang mga barkada nina Cloud.
Marami-rami pang mga banda ang pinakilala bago sina Cloud at hindi ko inaasahan pero nagwala ang open field nang maipakilala ang banda nila.
“Joining us again--- The ARC-FI 5!”
So yon nga—yon yong name ng band nila na ngayon ko lang din nalaman. I’m guessing na kinuha nila yong mga first letters ng mga pangalan nila kaya nabuo yong “ARC-FI”.
Halos isang minuto din ang kenailangan para tuluyang kumalma ang crowd tsaka pinagpatuloy ng host ang pagpapakilala.
“So same rules—no rules! They’ll perform three--- one of their own and to add a little twist… one song from the crowd!” Nagtwist ang mukha ng host. “Tough huh? Impromptu.”
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...