chapter 12

3.2K 86 1
                                    

[Mhaica's POV]

Matapos kong pumara ng taxi sa labas ng bahay nina Cloud, nakatanggap agad ako ng tawag galing sa doktor ko. Malapit na kaibigan to ni mama. Matandang dalagang ewan.

"Tita, it's here again." sagot ko.

"How many times do I have to tell you, no skipping of blood transfusion?! You were always ignoring my damn call!" hirit din naman agad nito.

Napangiwi na lang ako sa lakas ng boses niya. Oo tita. Basag na eardrums ko. 

"Err sorry-- a lil bit busy of stuff. I'm on my way to the hospital. Are you there?" tanong ko sa kanya.

Alam naman nitong lumipat ako ng Baguio pero hindi niya alam na sa mismong sa papa ko ako nakatira. Ayokong ipagsabi dahil baka ibukaka pa nito sa kanila kung anong sakit ko. Mahirap na.

As long as kaya ko pa, kakayanin ko. Ayokong mangolekta ng awa.

"Yeah. Pines Hospital. Be here as soon as possible, okay? I'm worried like hell. Hurry!" mariing sabi nito.

Halos anak na din naman kasi turing niya sakin. Dahil pala kaibigan naman si mama, isa ang doktorang to sa pinaka matalik niyang kaibigan. Ito din ang doktor ni mama dati. At alam niya lahat ang tungkol sakin except kay papa. Sinabi ko lang na, nalipat na naman ako ng poder. Hindi naman siya nagtanong kung kanino. Sanay na din kasi to sa sitwasyong meron ako. At kung hindi lang din to naka ampon na, malamang sa kanya ako mapupunta which is better para sakin... nung una. Pero the best pa din syempre kina papa.

Matapos ang ilang minuto, nakarating ako sa hospital kung san naka duty si Tita Isabel, a.k.a. yong doktor.

Naghihintay to sa may mismong entrada.

Yumakap ako pagkalapit ko pero kurot naman ganti niya sakin. Napahiyaw pa tuloy ako.

"Antigas talaga ng ulo mo!" anito.

I smiled tightly. Niyakap din naman niya ako matapos ko ngumiti at humalik pa sa noo ko. Maya-maya pa ay hinila niya ako sa kung anong room para salinan ng dugo. 

Wala naman talaga akong hika pero dahil sa sakit ko, nagcoexist na din siya. Epal na asthma. Kinukulang ako sa oxygen dati. Mahigit limang buwan na din nang lumabas ang mga symptoms ng sakit ko at simula nga nun eh nagba-blood transfusion na ako. Wala talagang nakaka alam nito maliban kay Tita Isabel at sa ampon nito. Maging sa mga napuntahan kong poder eh walang nakaka-alam... pati si Nadine.

Maya-maya pa'y tinanggal na ang karayom sa braso ko. 

Tumingin ako kay Tita Isabel. Sa tingin pa lang, alam ko nang may problema na naman.

"Sabihin mo na, tita." kako

Huminga siya ng malalim. "Pwede ka kasing masobrahan sa iron dahil sa mga blood transfusions  mo na to.. Kelangan nating bantayan pero sa ngayon, okay ka na uli. Balik ka uli kapag tinawagan kita ha? Huwag na namang matigas ang ulo. At Mhaica, hindi basta bastang sakit ang pinasa sa yo ng mga magulang mo kaya please... please lang, huwag mong solohin." sabi nito.

"Tita, alam mo namang hanggang kaya ko pa, sana tayo tayo lang muna nakaka-alam. Ayokong mandamay. Okay na to, ako lang yong nahihirapan..." 

Napa-iling ito. "Huwag ganyan, Mhaica. Kakailanganin mo ng tulong lalo na kapag lumala tong sakit mo. Delikado, Mhaica. Pwede kang m-mawala...." naluha na siya.

Alam ko naman ang tungkol dun pero kung ganun talaga.... wala akong magagawa. Kahit hindi ko kagustuhan ang magkaroon nito... andito na eh. Inherited disease. At ang masaklap pa, galing sa parehong magulang ko. Ang hirap ng pamana nila... parang susunod pa ako kay mommy ng maaga... brrrrr

Wala sa sariling umakyat ako sa hagdan papuntang kwarto. Ni hindi ko napansing tinatawag ako nina Nadine sa sala.

"Hoy, Macky!! Gising!" sigaw nito

Maang na napatingin ako sa kanila.

"Para kang sinaniban jan. Musta tutor lessons niyo, kako?" tanong naman ni Steven.

"At asan yong bag mo?" tanong naman ni Nadine.

Napalaki mata ko. Oo nga pala! Yong bag ko! Naiwan ko kina Cloud. Buset!

"Shet. Naiwan ko kina Cl--!" nakagat ko dila ko. Muntik ko pang masabi name ng kumag na yon. Eh hindi nga pala magkasundo ang dalawang to. Steven and Cloud i mean. "Este.. naiwan ko kina Cleo. Ipapakuha ko na lang sa Monday." bawi ko agad tsaka mabilis na umakyat.

Malapit na yon! Huwaw!

Tulalang nakatingala lang ako sa kisame. 

IRON OVERLOAD.

Paulit-ulit na pumapasok ang mga katagang yon sa utak ko. Iron overload. Pag nangyari yon, kelangan ko na naman daw mag iron chelatin treatment. Ewan kung ano yon.

"Kapag nasobrahan sa iron ang katawan mo, pwedeng magkaroon ng iron overload sa vital organs mo na pwedeng mag-cause ng diabetes, liver failure and heart failure. Pwede ring lumaki ang spleen mo... at pag nangyari to, kailangan tanggalin. At sa mga complications na to... pwede mong i-kamatay..."

Eto ang mga sinabi sa isang doktor na napagtanungan ko dati. Mahirap kasing magtanong kay tita Isabel dahil ayaw nitong magsabi ng diretso. Oo nga naman, mahirap sabihin sa isang taong... "Nakakamatay yang sakit mo!". Kasi parang ganun lang din naman ang bagsak ng usapan.

Bumuntong hininga uli ako. Ano na bang gagawin ko. Pwede pang lumala to. Pano na lang? Buti na lang nasa Canada sina papa at hindi masyadong mapapansin ang unti unting pag-iba ng ilang bagay sa katawan ko. Napansin to ni Tita kanina. 

Medyo yellowish na nga daw ang balat ko. Medyo lang naman pero normal pa din naman ako, over ka! 

Hanggang sa makatulog na ako't lahat eh.. eto pa din nasa isipan ko. 

Beta thalassemia...major.

====================================================================

Hanggang dito na muna po. 

Salamat po sa pagbasa niyo. And sana huwag po kayong tumigil sa pagbabasa pa ng mga susunod pang chapters and sana hindi ko kayo na dis-appoint sa chapter na to.

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon