[Cloud's POV]
Mag-aral ka sa bahay niyo, ha?
Geez. Concern ba siya?
Oo nga naman, she's helping me para maka alis agad sa school na to.
Napilig ko ang ulo ko sabay browse sa isa kong cellphone para tingnan kung may assignment. Though hindi naman talaga ako ang naglalagay ng notes sa cellphone. It was Ace.
Sa kanya ko binibigay cellphone ko during class hours. May niloloko din kasing chicks ang isang to at cellphone ko ang napili niyang gamitin. Alam kasi ng lahat ng teachers na cellphone ko yon kaya takot silang i-capture yon pag may gumagamit during lectures. Kaya bilang kapalit, pina pa take down notes ko siya.
Walang assignment, loves! Matulog ka na! Love u!
Napa ngisi ako sa note nito. Saming lima, ito talaga ang pinaka sweet. Pinagdududahan na nga namin kung bakla ba to o ano. Kung hindi lang namin to kilala since childhood, iisipin na talaga naming bakla siya.
Si Ace din ang pinaka paborito ng kuya ko.... Somehow, pinapaalala sakin ni Ace ang kuya. Pareho kasi ang ugali ng mga to. Caring. Buti nga naka move on agad si Ace matapos ang isang linggong absent nito. Samantalang ako....
Si kuya. Inampon siya nina mommy nung five years old pa lang ako para daw may kasakasama ako. And then they left the both of us sa lolo. Mabait ang kuya. He's both my dad and my mom. He shaped me. Siya na halos nagturo sakin sa halos lahat ng nalalaman ko. And when he passed away... yon na ang pinaka mahirap. Ang masaklap pa, magkasama kami sa aksidente. And he chose to save me. Something my parents can't do but kuya did.
I once thought to end my life. Pero dahil kina Raven, Ace, Frey at Iñigo, I'm on hold.
Nag-aaral k b? Review mo ung economics. Gudnight.
Tutor ang nakalagay na name nito. Hindi ko pa napapalitan. Malay ko bang ang Mhaica na yon lang pala.
Matapos mabasa ang text nito, pinalitan ko ng "Devil" ang name nito sa contacts ko. Naalala ko pa nung unang meeting namin ng asungot na yon. Down na down ako sa week na yon dahil wala pang isang linggo nang mailibing ang kuya. Nagpasya kaming magbabarkada na pumunta ng Pampanga para mag unwind. At doon ko nakita to.
Ilang araw ko ding pinag isipan kung saan ko nakita to. Kung hindi ko pa nakita ang dalawang hikaw nito sa isang tenga niya, di ko maaalala na siya nga pala yong haharang harang sa daraanan ko nun. Nahagisan ko tuloy siya ng skateboard.
Napangiti ako sa ala alang yun. Kakaiba talaga siya. Bungangera.
[Mhaica's POV]
Boss, may message ka!
Ring tone ko yon sa mga messages ko. "Devil" ang naka sulat sa screen. Si Cloud ito. Yon ang pinangalan ko sa kanya. Masungit eh.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Novela JuvenilNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...