[Mhaica’s POV]
“Okay class, you have to work by group in our activity. You may open your sources but no phones and internet. Got it?” tanong nung instructor.
Napa-angat tingin ko mula sa sketchpad ko. Katatapos lang nitong mag-discuss for thirty minutes.
Wow agad-agad? Activity agad?
Busy pa man din ako sa pagdo-drawing kanina kaya hindi ako nakikinig.
Nagpapagawa siya ng recitation activity. Magtatanong siya then paunahang magtaas ng kamay then pag mali sagot mo, pwede pang sumagot yong ibang group.
“Okay, so choose your group.”
Uh-oh. Napalunok na lang ako.
Awkward!
Hindi ako friendly na tao. Usually, sila lumalapit sakin. Pssh!
Oha! Nga-nga ako ngayon.
“Mhaica, Sali ka na lang samin.”
Napatingin ako sa isang bakla. Mukha namang friendly ang isang to. Tumango na lang ako sabay tayo sa upuan ko at lumapit sa kanila. Nakatayo ako sa likuran nung bading.
“All settled now?” tanong nung instructor. Err, hindi ko alam name niya-- nung teacher. Nasabi niya kanina pero busy ata ako nun sa pagpapalit ng sapatos kaya hindi ko narinig.
“Yes, sir!”
“Okay, number one question for one—“
Knock knock knock.
Tinginan kaming lahat sa pintuan. Pumasok si--- .
Nanlaki mga mata ko. Ano to? Classmate ko siya.
Wait. Kalma lang. Baka naman naligaw lang, Mack. Easy lang.
“Cloud Xander Lee, present. Sorry I’m late.” Sabi nito.
KILL ME NOW!
Ayokong maging classmate to! Dear Lord, sabihin mong nagbibiro ka lang!
May ipit na tumili sa group namin. Mga ilang babae kasama na ang bakla.
“Ang gwapo talaga niya!”
“Yummy!”
“Shit! Ang cute!”
Tiningnan ko sila.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...