enjoy!!
====================================================================
MACK'S POV
"Macky!" sigaw ni Ace habang yumayakap sakin.
"O-oi. Bat napa-sugod kayo?" binatukan ko si Inigo nang parang engot na kinikilatis ang bandage ko sa ulo.
"Buo pa ba yan, loves?" naka-ngising tanong niya bago yumakap.
I shot him daggers. "Ngango! Buo pa yan!" sagot ko.
Matapos bumati nina Ace, Frey, Raven at Inigo, lumapit si Cloud at hinawakan lang ang ulo ko na parang bata. Hindi ko alam kung ngingiti ako o palalabasin ko siya. Okay... so childish.
"How are you?" tanong niya habang matiim na nakatingin sakin.
Hindi ko magawang salubungin titig niya kaya kunwaring pinalipat-lipat ko tingin ko sa kanilang lahat, including Nicole. And speaking of Nicole. Nakapulupot ang dalawang kamay niya sa braso ni Cloud na parang hihilahin ko si Cloud anumang oras. Kuh! "H-hindi ko pa nakaka-usap yong doctor."
"Pero okay naman siya di ba, Nadine?" tanong ni Ace. I looked at him--them... at ano to?! Magkatabi sila ni Nadine sa isang bench sa malapit sa pinto. His arm around Nadine's waist. What the heck. Ano ba talaga meron sa dalawang to? Bat napag-iwanan naman na ata ako.
I gave Nadine a creepy look. Alanganin naman siyang ngumiti. "Ah oo... well sabi nung isang doctor, kelangan lang ng ilang tests and churva ewan. And she's good as new uli."
Sabay-sabay na napa-ahh ang tatlong bugok sa sulok--Frey, Raven and Inigo.
"Uhm, dinalhan ka namin ng cake, Mack." pinatong ni Nicole sa side table and dalawang kahon ng cake bago siya pumulupot uli kay Cloud. Anak ng---.
Cloud smiled at her lovingly. Nag-iwas ako ng tingin. "Salamat. Nag-abala pa kayo." Makaka-alis ka na.
Matapos kumain nung cake, parang mga sirang nagkantahan sina Frey sa room ko. Well, apat lang sila kasi inaasikaso ni Cloud si Nicole. Umahon na naman selos ko. Bat naman kasi pupunta-punta pa sila ditto. They're embracing, chuckling, smiling... kissing. Urgh!
Nadine squeezed my hand right hand. Nakasalampak kasi sa left hand ko yong dextrose. I smiled bitterly.
Lumapit naman si Raven at nag face dance sa harapan ko. I burst out laughing. Para kasi siyang inaatake ng epilepsy. Ace joined him at di nagtagal eh sumali din sina Frey and Inigo.
"Stop!" tumatawang saway ko. "Para kayong mga sanggano jan."
We all giggled. Damn. How I love these idiotic people. Alam nila how to cheer me up.
Next thing we do, chess. May chess board kasi sa isang cabinet sa room na to na nahanap ni Frey sa kakakalkal ng kung ano ano sa room ko. Dalawa kami ni Raven versus Ace and Nadine sa first game. We won, of course. Nag-high five kami ni Raven.
"Hon, let's play din." narinig kong sabi ni Nicole kay Cloud. Kunwaring hindi ko narinig yon at tinulungan ko na lang si Frey sa pag-aayos ng chess pieces sa board.
Maya-maya pa'y lumapit sila. "Loves, join kami." nakangiting sabi ni Cloud. I glanced at him. Naka-akbay pa din siya kay Nicole and Nicole's smiling at him dearly.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Okay. Change the losers." nang-aasar na sabi ni Raven kina Ace at Nadine.
Pabirong pinitik naman ni Ace si Raven sa ilong.
So, there it is. Ako tas si Raven versus Cloud and Nicole.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...