chapter 24

3K 73 0
                                    

Mack's POV

"Bakit? Masama?"

Seryoso akong tumingin sa kanya. "Oo."

His smirk slowly faded.

Kahit inis na inis naman ako sa lalaking to, alam kong wala akong karapatan. Alam kong bunga lang to ng pesteng selos ko... oofft! That's so hard to admit. Oo, nagseselos ako at naiinis ako sa sarili ko na hinayaan ko lang na mahulog ako sa taong may gusto sa iba. Eh kasi naman... akala ko talaga may gusto din siya sakin. Shet... Mhaica, wag assuming kasi masyado ha?

I forced a smile. "Syempre joke lang." pilit akong tumawa. "Wazzup?"

Matamang nakatingin lang siya sakin.

Nag-wave ako sa harap ng mukha niya. "Uy! Okay ka lang? Bat ganyan ka makatingin? Nag-ibang anyo na ba ako? Ano? Mukha na ba akong baboon?" sunod-sunod na tanong ko. Well, cover up ko lang yon. Naaasiwa lang kasi ako sa titig niya. Yong tipong binabasa niya ako or basta ganun!

Tsaka lang siya parang natauhan.

"O di ba. Nakuha mo pa yatang mag-daydream." I teased.

He smiled coyly. "Sorry."

"So bat ka nga andito? May kelangan ka?" tanong ko uli.

Umiling siya. "Ah no. I was just bothered about you. You're acting d-different... You okay?"

Mukha ba akong okay? Ikaw kaya makakita sa taong mahal mo na nakikipaglaban para sa taong mahal niya kaso hindi ikaw yong taong yon?

Prenteng parang nagulat ako. "Ha? Oo naman. Maayos pa naman ako, ikaw naman. Hindi pa naman ako nagma-malfunction. I'm okay." sagot ko.

Tumango-tango siya bagama't hindi kaila sa itsura niyang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Bahala siya. Hindi ako aamin. Mataas pride ko, alam ko pero eto na lang meron ako. Pwede na ngang panlaba eh. Pride.

May sasabihin pa sana siya nang tumunog cellphone niya.

"Uhm, excuse me." he gave me a tight smile bago naglakad pabalik sa private library habang nilalagay ang cellphone sa tapat ng tenga niya.

"Hello Nicole?" cheerful na sagot niya.

"Aray ko po..." bulong ko habang nakatingin sa papalayong bulto ni Cloud.

Napagpasalamat ko na lang na hindi ditto nag-aaral si Nicole.

Sa mga sumunod na araw, nalaman na ang results ng midterm exam at proud naman akong top 6 ako sa overall, yon daw kasi eh wala akong records nung first grading at kakapasok ko lang nung midterms. Syempre nangunguna pa din si Raven pero mas proud ako nang malaman kong nasa top 10 si... Cloud. Top 2 actually siya.

Maganda ang grades at performance niya kaya sinabi ko sa lolo niya na mag-quit na ako sa pagtututor kay Cloud... syempre ang pangunahing reason ko ay para maka-iwas sa kanya pero hindi pumayag ang matanda at sinabing babawasan na lang daw niya ang mga oras at araw ng pagtuturo ko kay Cloud. Hindi ko na siya tuturuan pag Wednesdays at three to five hours na lang pag Saturdays. Kesa naman sa makahalata ang matanda sa motibo ko eh pumayag na din ako.

Kahit pa-unti unti... nakakalayo naman ako sa kanya na ewan kung kakayanin ko. Tengene... ang lupit ng feelings na to. Todo talagang nahulog na nga, kay Cloud pa. Heaven!

"Balita ko top 6 ka daw ah." sabi ni papa.

Kaka-online ko pa lang at talagang inaabangan daw niya ako.

I grinned. "Hehe. Opo eh."

Nag-thumbs up siya. "That's great, child! Damn, I was right. I know you'll be one of those top students." abot hanggang tenga nito ngiti niya.

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon