chapter 37

2.8K 55 0
                                    

================================================

“Aalis tayo…” deklara ni Steven.

We all agreed. Nasa bahay nila kami. Frey, Inigo, Raven, and Ace are with me. Syempre, concerned kaming lahat kung saang lupalop si Mack at kung safe ba siya.

“What about school?”

Natahimik kaming lahat. Oo nga, what about school?

“It’s Friday naman bukas, aalis tayo mamayang madaling-araw or mamayang ten or eleven. Aabsent tayo bukas. Saturday and Sunday, sana nahanap na natin si Mack…” singit ni Ace.

Pwede din… wala naman sa bahay si papa at out of town pa din si mom kaya makaka-alis ako. Tsaka busy si lolo sa mga meetings niya kaya hindi naman siguro niya mahahalatang tumekwas ako. Tatawagan ko na lang sila bukas.

“Lahat ba kayo pwedeng sumama samin?” tanong ni Steven.

Tumango lang kaming lahat. Mejo matagal tagal din kaming umabsent sa school. Tsaka si Mack ang pinag-uusapan ditto.

“Sige sige. Convoy tayo o isang sasakyan lang dadalhin natin?” sunod na tanong niya.

“Tatlong sasakyan na lang dadalhin natin…” mungkahi ni Inigo.

Pwede din…

“Sino may gusting magdala ng sasakyan? Ako, magdadala ako. Sino pa?” tanong ni Steven.

I raised my hand.  Nagtaas din ng kamay si Ace at Frey.

“Apat… sige, okay na din yon. Ayoko kayong makasama sa iisang sasakyan.” Ani Steven. Kunwari namang nasaktan sina Ace, Frey at Inigo na suminghot singhot pa.

“Sobra ka naman Steven… nakakasakit ka ng damdamin…” drama ni Inigo.

Steven rolled his eyes. “Sige na, magsilayas na kayo. Kuha kayo mga gamit niyo. Yong mga magdadala ng sasakyan, meet tayo sa Kennon Road. Mas mapapabilis kung dun tayo dumaan. Ten o’clock sharp, andun na lahat, clear?”

“Crystal.”

Nadine’s POV

Pinasok ko na sa SUV yong mga gamit namin ni Steven tsaka si Fluffy  habang naghahanda siya ng makakain sa kusina. Kelangan na din naming mag-withdraw ng pera bago umalis. Just in case…

Sa Maynila kami pupunta. Kung wala ditto si Mack, isa lang naman pupuntahan nun. Maynila… Malakas din kutob ko na dun siya nagtungo…

Pero bakit siya umalis? Anong hinahanap niya… Wala naman silang problema ni Cloud, maayos naman kami ditto sa bahay… okay naman studies niya. Anong problema?...

Na-guilty tuloy ako na wala akong kaalam alam sa kung anong pinagdadaanan niya. Halos si Ace naman kasi priority ko at hindi ko alam na may problema siya. Kung bat naman kasi ang galing magtago ng problema ng babaeng yon…

Tinawagan na din ni Steven ang parents niya para ipaalam ang nangyari at syempre nawalan ng ulirat ang tatay niya. Sinabi pang uuwi daw siya. Steven argued pero mukhang desidido siyang umuwi… I smiled. Buti pa sila, they have a caring and thoughtful father… si papa kaya? Magbabago pa ba yon…

“Okay na?” tanong ni Steven habang inaabot sakin ang mga container na may lamang pagkain.

Tumango ako…

“Don’t worry, mahahanap natin yon…”

I frowned.

He pulled me into a hug.

Nang makarating kami sa meeting place, inaya ako ni Ace na lumipat sa kotse niya. Mag-isa kasi niya pero tumanggi ako. Kelangan ni Steven nang makakasama ngayon.

Mag-isa din ni Cloud sa sasakyan niya. Magkakasama sina Inigo at Raven sa sasakyan ni Frey pero lumipat si Raven sa sasakyan ni Ace kaya dalawa na lang sila dun. Si Cloud na lang nag-iisa… Pity. Binigay ko na lang sa kanya si Fluffy. J

We’re leading. Sunod si Cloud then sina Ace tsaka sina Frey. I took a deep breath… sana mahanap namin si Mack…

Malapit na kami sa NLEX nang magsimulang umulan. Ampuga. Ganito din nung huling pumunta kami ditto. What a welcome…

“Sigurado kang okay lang na sa inyo tayo tutuloy?”

Tumango ako. “Oo naman. Pina-linis ko na din yon. Tsaka mahal kung maghohotel pa kayo. Okay na yong samin kayo tumuloy.”

He gave me a tight smile.

“Thanks, Nadine.”

Halos 5 am na nang makarating kami sa bahay. Halatang pagod lahat. Wala kasi kaming stop over maliban lang kung may iihi. Tsaka syempre walang tulog lahat. Salit-salitan din kasi sa pagmamaneho yong apat maliban kay Cloud na sila lang ni Fluffy sa sasakyan niya. Pati si Steven, siya lang din nagmaneho. Gusto ko din sana siyang palitan para naman makapagpahinga siya pero hindi ko naman kasi masyadong alam yong sa shifting gear. Baka maaksidente pa kami.

Naihatid ko na sina kuya tsaka sina Inigo, Ace, Frey at Raven sa mga kwarto nila. Huli si Cloud.  Gusto kasi niyang mag-isa sa isang kwarto. Roommates sina Ace at Raven tsaka sina Frey at Inigo.

“Sakin na lang muna matutulog si Fluffy…” sabi ni Cloud na buhat buhat si Fluffy. Mahal din siya nung aso eh. Syempre, sa malamang siya unang amo ni Fluffy. Ni hindi nga ganun kaamo si Fluffy sakin.

Tumingin ako sa kanya. “Sige…”

Binuksan ko ang pintuan nang makarating kami sa tapat ng guest room na ookupahin niya.

I bid him a good night.

Nagulat pa ako nang bahagya siyang ngumiti. These past two days kasi eh balik sa masungit ang aura niya. Yong tipong hindi mo makaka-usap.

“Good morning na…”

I grinned. “Adi, good morning.”

Pumasok na siya sa loob.

“Matulog kang mabuti. Kelangan mong magpahinga para may lakas kang hanapin si Mack mamaya. Don’t worry, mahahanap natin ‘yon.” I gave him a wide smile. “May listahan na ako kung san natin siya pwedeng Makita. Kaya, matulog ka ng maayos. Wag ka masyado nag-iisip…”

He smiled. “Oo ba..”

Ngumiti ako sa kanya tsaka nag-good night na din kay Fluffy bago ako pumihit patalikod. Inaantok na din ako. Ni hindi ako nakatulog sa sasakyan kanina. Nag-aalala ako kay Steven.

“Ah Nadine?”

Humarap uli ako kay Cloud. “Bakit?”

Umiling siya. “Salamat…”

Tumango ako. “Wala to. Basta para kay Mack at sa inyo, andito lang ako.”

Tumalikod na uli ako kasabay ng pagsara niya ng pintuan.

Whew…

Wala naman talaga akong listahan kung san pwedeng hanapin si Mack. Dalawa lang naman alam ko… sa bahay ng tita niya o sa school namin dati. Wala siyang close friend ditto na pwede niyang puntahan… Kung wala siya sa dalawang lugar na yon…. Ano nang susunod?

==================================================

tnx!

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon