[Mhaica’s POV]
“O bag mo!”
Binagsak ni Cloud bag ko sa harapan ko. Ampugang lalaki to, di man lang inabot.
“Salamat ha!” angil ko.
“Aist! Iiwan-iwan kasi eh…” murmur nito.
“Nakalimutan ko nga! Na-ka-li-mu-tan! Hindi ko naman ginustong iwan. Batukan kita diyan eh.” Sagot ko.
Grabe! Lahat na lang ng maliliit na issue, pinapalaki niya. Sasapatusin ko na to eh. Tiningnan ko siya ng masama.
Tawanan naman sina Ace, Frey, Raven at Iñigo. Kasama sila ni Cloud na pumasok ng classroom. Wala pa kasing time kaya nag-uumpukan na naman sila.
“Bakit ka naman kasi umalis agad, loves?” tanong sakin ni Ace.
“Yah! Don’t call her that! She’s out of the group.” Ngitngit na naman ni Cloud.
Grabe talaga! Kunti pa…
Umikot lang mga mata ni Ace tsaka binaling uli sakin tingin niya.
“Cloud told me so.” sagot ko.
Sa kung saan eh bigla na lang akong siniko ni Cloud.
“Ano na naman?! Eh tama namang sinabi mong huwag na tayong mag-lesson di ba?!” angil ko uli.
Umangat dulo ng itaas ng labi nito. Nanghahamon na naman ata ng away ang isang to.
“Whatever!” sagot nito tsaka kumapit sakin at bumulong. “Just don’t say that out loud…!”
Ngunit hagalpakan na naman ng tawa ang mga barkada niya. Anlakas naman kasing bumulong eh. Pahalata bro?
Natampal tuloy niya noo niya.
“It’s my birthday on October 11, come, okay?” bigla bigla na lang tanong sakin ni Frey. “House namin. We’ll fetch you. And it’s just a small celebration.”
October 5 pa lang ngayon…hmm next week na.
“Yah!” angil na naman ni Cloud. Ayaw atang pumunta ako.
Binatukan na lang siya ni Iñigo.
“Hindi naman ikaw ang may birthday, loves. Umayos ka.” Babala nila sa kanya.
Natahimik naman siya. Haha. Goodboy naman pala kapag mga barkada na niya nagsalita.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...