Cloud’s POV
Hinang-hinang bumalik na kami sa sasakyan.
Napuntahan na namin ang bahay nung tita ni Mack na kumupkop sa kanya nun, pumunta na din kami sa school nila dati--- wala. Hindi namin siya nahanap at wala silang ideya kung san siya nagsuot.
Tumingala ako nang may nag-abot sakin nang bottled water.
I gave her a small smile. “Salamat, Nadine…”
Umupo siya sa tabi ko. Nasa kandungan niya si Fluffy. “Cloud… pasensiya ka na ha? Parang nagsasayang lang tayo ng oras ditto…”
Tumango ako. “Ayos lang. Hindi mo naman din alam kung andito siya, walang nakaka-alam pero atleast nakakapaghanap tayo dahil sa’yo. You’re a help, Nadine.”
She frowned.
I gave her a fake smile para hindi na siya ma-guilty. I can’t really smile sincerely in this case.
“Hoy! Tayo na jan. Aalis na tayo. Maghiwa-hiwalay tayo sa paghahanap. Baka anjan lang siya sa tabi-tabi.” Sigaw ni Steven mula sa pagkakasandal niya sa SUV nila.
“San tayo magsisimula?” wala sa sariling natanong ko.
“May mga madalas kasi siyang puntahan nung andito pa siya. Subukan natin mga yon, baka sakaling andun siya.” Sagot ni Nadine sabay hila sakin patayo. “Tara na…”
Naghiwa-hiwalay kami nang isa-isang kaming bigyan ni Nadine ng listahan kung saan siya pwede pumunta.
Park at isang store na malapit lang sa school nila dati ang napunta sakin. Madalas daw tumambay si Mack sa store na ‘yon. Napangisi ako… tambay pala ang isang yon eh.
Inuna kong puntahan ang store na yon kasi yon mas malapit sa kinaroroonan ko.
3-minute drive lang at narating ko agad yon. Sinuri ko ang lugar… Maluwang ang entrada nun, mukha na ngang mini mart. May mga studyante ding nakatambay sa labas nun. May mga nagyoyosi sa may di-kalayuan. Napa-iling ako… hindi ba’t hindi pwedeng magbenta ng yosi isang kilometro mula sa isang school…?
But who really cares? I shrugged.
Bumaba ako sa sasakyan. Pinagtinginan pa ako nung mga tambay at mga studyante. Well okay, I won’t deny that I love attention but heck… they’re giving me creeps. Pero the girls naman are giving me admiring look. Most of the guys are staring at my car.
Hindi ko na sila pinansin at tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng store. May mga table din ditto sa loob. Some are eating; some are doing some… assignments? I made a face then proceeded to the counter. May isang ginang dun na may kung anong ginagawa sa tablet niya. Facebook?
She seems approachable.
“Hello po. May hinahanap po ako. Jammaica po pangalan niya. Pumunta po ba siya ditto?” Pinakita ko ang picture ni Mack sa cellphone ko.
BINABASA MO ANG
My life with the devil
Teen FictionNang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako...