chapter 27

3K 65 0
                                    

enjoy. FORGIVE NA LANG PO KUNG MY ERRORS--KUNG MAY WRONG GRAMMAR OR STUFF.. :D

===================================================

MACK'S POV

Naka-alis na din ako sa ospital matapos kong kulitin si tita Isabel na magiging okay ako at tatawagan ko siya pag may nararamdaman akong kakaiba o masakit sa katawan ko...etc. Binigyan na din nya akong gamot na hindi ko alam kung ano pero sabi niya, para daw sa dugo ko para daw hindi ako nawawalan ng oxygen sa katawan ...etc. May ibang gamot pa pero hindi ko naintindihan kung para san mga yon. May isang gamot pa na iinumin ko lang daw pag naninikip dibdib ko, etc. Todo tango na lang ako para lang maka-alis sa ospital.

At paglabas ko nga eh as usual... balik sa dati. School, bahay, tutor... And speaking of tutor...

Ilang sabado ko na ding hindi natuturuan si Cloud dahil laging may lakad sila ni Nicole o kaya naman eh nasa bahay nila si Nicole at ayoko naming makadisturbo kaya umaalis din ako. Ngayon ko na nga lang uli siya tuturuan pero---

"AYOKO NIYAN"

Inis na nilingon ko si Cloud. Heto po at nag-aalboroto ang ating amore. Eto na ang second da na nagkakaganito siya. Kahapon ko pa sana siya tuturuan pero masama nga ang araw kaya bumalik ako ngayon pero kita niyo naman.... mas lumala pa ata siya. Signal number 3 na ata sama ng mood niya. Kuh!!

Huminga akong malalim... Eh ano pa nga ba magagawa natin...? Eto na nga lang yong araw na wala si Nicole...

Binalik ko sa shelf ang mga aklat.

"Ano gusto mo?" tanong ko nang maka-upo uli ako sa pwesto ko kanina.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa labas ng bintana habang naka-fold yong arms niya. Suplado!

"HOY! Anak ng teteng! Sumagot ka nga. Bat ba ang sungit mo. Pambihira, tatabasan ko na yang labi mo o, nagkakandahaba na!" hindi ko mapigilang bulyawan eh.

Tumingin siya sakin habang dikit na dikit pa din mga kilay niya. "Wala."

"May problema ka ba?" tanong ko.

Umiling siya. Che! Lakas naman nitong mag-drama kung wala naman pala siyang problema!! O baka naman dahil... may something sila ni Nicole kaya badtrip tong isang to... Could be pero ayoko nang itanong...

"Bahala ka. Aalis na lang ako. Tawagan mo na lang ako pag okay ka na." paalam ko sabay alis sa library nila. Psshh.

Nasa may gate na ako ng bahay nila at nakalabas na ako't lahat eh hindi man lang talaga niya ako pinigilan. Aish! Gago yon... Namimiss ko pa man din siya... OO! Namimiss ko yong isang yon! At wala na talaga yata akong magagawa para maalis tong nararamdaman ko para sa kanya... Haist.

Bumubulong-bulong pa ako habang naglalakad nang may tumigil na sasakyan sa tabi ko.

"Get in."

"Ha?"

"Get in. Samahan mo ako maglakwatsa...."

Nanatili pa rin akong nakatingin kay Cloud. Seryoso ba siya?

Malamang nainip siya kakahintay sakin na pumasok sa kotse niya kaya siya na bumaba at pinagtulakan ako sa loob...

"San tayo pupunta?" tanong ko nang ma-process na ng utak kong kasama ko si Cloud sa sasakyan niya.

He shrugged. "Mamamasyal?"

"San nga?" tanong ko uli.

"Ewan."

My life with the devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon