LIFETIME
"As much as we want to be with you on that dinner, we respect the privacy. Thus, we will do other things na lang." si Aimee habang nilalantakan ang pizza na in-order namin sa restaurant ng resort.
Tapos na akong kumain pero panay pa rin ang lagay ni Axel ng pagkain sa plato ko. Tiningnan ko siya ng masama pero pinag-taasan lang niya ako ng kilay.
"I'm full. Tama na kasi." Reklamo ko.
"You should eat more." Aniya.
"Well, we can plan our own dinner habang hinihintay sila." Magarbong suhestiyon ni Elliana. "Hindi naman siguro aabutin ng kung anong oras 'yon, 'di ba?"
"I just hope that everything goes well." Ani Sherrie, sa tabi ko umupo.
Tumango ako. Hindi naka-takas sa mga mata ko ang mariin na tingin ni Leo sa kanya. Kumunot ang noo ko. Sa halip na mag-tanong ay tinikom ko na lang ang bibig ko.
"Nako, Axel! Sinasabi ko sa'yo ha. Kapag umuwing luhaan 'yang pinsan ko, buong angkan namin ang magiging kalaban nyo!"
Tumawa si Anton. "Buong angkan talaga?"
"We are family. Always and forever." Taas-kilay na sinabi ni Aimee. "Right, Marge?"
"Of course." I mouthed to her.
"Well, Axel won't mind. He will steal Marge if that happens." Natatawang wika ni Leo, pero ang mga mata ay nakatuon kay Sherrie.
I laughed at that. Kuryoso nila akong tiningnan. Natutop ko naman ang aking labi nang nakita kong kunot ang noo ni Axel sa akin. Bakit? Ako lang ba ang nakakahalata?
"Stop being nosy." Si Axel habang marahan na pinadaan ang index finger niya sa tungki ng ilong ko.
"I'm not." Sagot ko, natatawa pa rin.
"Family dinner lang ba 'yan?" Usisa ni Elliana. "Baka mamaya may iba palang imbitado, e 'di sana sumama na lang din kami."
Suminghap si Aimee. Namilog pa ang mga mata niya na para bang may naisip na kakaiba doon sa sinabi ni Elliana.
"Baka naman nandoon ang Frezzah na iyon." Sabi niya, naka-tingin sa baso ng juice sa harap niya habang pinapaikot-ikot ang straw nito.
Tumahimik kaming lahat. Tila ba may nadali si Aimee sa mga salita niya. Siguro ay iniisip din nila iyon pero walang sumubok na mag-salita tungkol do'n. Siya lang ang may lakas ng loob na sabihin iyon.
"Aimee naman!" Bulyaw ni Elliana.
"Why?" Nagtaka ang pinsan ko. "I'm just stating it in a matter of fact. Don't tell me hindi ninyo naisip 'yon? 'Wag nga ako!"
Umiling si Sherrie. Bakas sa mukha niya ang pagka-irita sa dalawa. "Tumigil na nga kayo. Kanina pa kayo sa bahay nila Marge, ah!"
Hindi naman ako umiiwas. Pero dahil sa nangyari, ayaw ko munang magkaroon ng puwang ang mga gano'ng bagay. Hangga't maaari, ayaw kong magpa-apekto. Kahit na mahirap ay sinusubukan ko. Pero alam ko rin naman na hindi 'yon maiiwasan. Na kahit ano pa ang gawin ko, sa bandang huli, kailangan ko 'yon harapin.
Ngumuso ako. Naisip ko na rin iyon. Dahil mukhang pamilya na ang trato ng mommy ni Axel kay Frezzah, hindi malabong naroon nga siya mamaya. Isa siguro 'yon sa mga bagay na hindi maiiwasan. Not unless magbago ang ihip ng hangin at biglang gusto na ako ng mommy niya. Natawa ako. Imposible.
"Ayos lang." Wala sa sariling sabi ko. "Naroon man siya o wala, siguro ay ayos lang."
Tiningnan ko si Axel sa tabi ko para makita kung ano ang reaksyon niya. Nanatili lang siyang tahimik sa tabi ko, malalim ang iniisip.

BINABASA MO ANG
One More Step
Roman pour AdolescentsIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...