HIS NAME
"Baka naman pwedeng magpalit muna tayo ng damit?" Tanong ko kay Sherrie at Aimee habang nasa sasakyan.
Kakatapos lang ng misa at tumulak na agad kami pauwi. Kanina ay kasama ko sila Ma at Pa ngunit mamimili pa sila kasama si Marcus kaya napag-pasyahan kong sumabay na lang kila Aimee. Tutal ay may sasakyan naman sila kaya hindi na namin kailangan pa na mamasahe.
"O sige. Magpalit ka, Marge. Hintayin ka na lang namin." Sagot ni Sherrie.
Nangunot ang aking noo. "At kayo? Hindi na?"
Sabay silang umiling at saka nagpatuloy sa pag-uusap. Masyado na silang masaya para istorbohin ko pa. Kung hindi ko lang kaibigan ang dalawang ito, marahil ay tinanggihan ko na sila sa pagpunta ulit sa farm ng mga Robles.
Mabilis ang takbo ng sasakyan. Lumalampas na lang sa mga mata ko ang mga puno na nadadaanan namin. Magkakalayo din ang mga bahay na nakatirik sa tabing-kalsada. Ang ilan ay may alagang hayop sa bakuran. May mangilan-ngilan namang nagpapastol ng alagang baka.
"Make it fast, Marge!" Pahabol na sigaw ni Aimee nang patalon akong lumabas sa sasakyan nila. Napanguso ako habang tinatahak ang bakuran namin.
E kung bagalan ko kaya sa paglalakad at pagpapalit ng damit? Siguro ay manggagalaiti ang dalawang iyon dahil sinasayang ko ang oras nila. It is just fair I think. Sinasayang din nila ang oras ko. Dapat ay nag-aaral ako ngayon o di kaya ay nanonood ng paborito kong palabas sa tv. Hindi 'yung ganito.
"Kuya Lucas, sa mga Robles po." Utos ni Aimee sa driver nila.
Nakita ko lang ang pag-tango ng driver. Ilang sandali pa ay naging pamilyar na ulit ako sa dinadaanan namin. Kahapon lang ay galing kami dito. Hindi siguro kami babalik kung hindi nakita nila Aimee at Sherrie iyong kulay itim na sasakyan.
"Ano'ng oras ko kayo susunduin?" Tanong ni Kuya Lucas.
"Hindi na po. Ako na ang bahala sa pag-uwi ko." Sagot ng pinsan ko.
"Baka mapagalitan ako, Aimee. Baka gabihin ka tapos ay mamamasahe."
Umiling si Aimee. "Hindi naman po ako gagabihin, Kuya Lucas. At saka alam ni Dad na dito ang punta ko. Kasama ko naman si Marge at Sher. Okay lang kami."
Tulad ng inaasahan, mabilis na nawala ang sasakyan sa harap namin. Narinig ko pa ang hagikgikan ni Aimee at Sherrie sa bandang gilid ko. Napailing na lang ako habang pinapanood silang dalawa na parang mga bata sa pagpigil ng tawa.
Natanaw namin ang tatlong truck na magkakasunod na nakaparada sa bukana ng farm. Inaayos ulit ng mga trabahante ang mga sako na may laman na kopra. Habang ang iba naman ay abala sa pag-papatas ng mga basket ng mangga. Masaya ang aura nilang lahat. Masaya silang panoorin habang papalapit kami sa kanila.
Lahat sila ay ngumiti nang nakalapit kami sa kanilang pwesto. Nakaka-miss tuloy ang mga tao sa taniman namin. Nami-miss ko na din ang paggawa doon tuwing walang pasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/45356155-288-k407678.jpg)
BINABASA MO ANG
One More Step
Teen FictionIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...