IKAW LANG
Pormal na tinawag ng host ang mag-asawang Robles. Nag-palakpakan ang mga tao nang tumuntong sila sa gitna ng bulwagan. Doon ay nag-pasalamat si Senior Alfredo sa lahat ng tao na nakuhang dumalo sa naturang okasyon. Matamis naman ang ngiti na iginawad ng Ginang na taas-noong nakatayo sa tabi nito.
"You're all part of our success." panimula ng Senior. "Without your never-ending perseverance to give your service for the growth of this land, it will never be as prosperous as it was before. Hindi po madali ang magpa-takbo ng ganitong kalaking lupain. We owe you this. Makaka-asa po kayo na patuloy ang aming pag-tulong sa inyo at sa mga susunod pang henerasyon."
Malakas na pumalakpak ang mga tao sa paligid. Nakita ko kung gaano sila ka-giliw sa pamilya ng mga Robles. Hindi ko man kilala ang lahat ng trabahador ay batid kong narito silang lahat kasama ang kanilang mga pamilya. Halata rin na pinag-handaan nila ang okasyon na ito dahil sa kanilang mga kasuotan. Simple ngunit mga pormal tingnan.
"This, by far, is the simplest yet largest occasion that is being held in this mansion." Ani Leo habang patuloy sa pagsa-salita si Senior Alfredo.
Agad naman na sinang-ayunan iyon nila Anton at Vincent. Tumango rin ako sa tinuran ni Leo. Hindi ko lubos maisip na kung sa pag-tanda ba ni Axel ay ganito rin siya?
Ilang sandali ay tinapik ako ni Clifford. Kunot-noo ko siyang binalingan. Tinuro lamang niya ang lugar kung nasaan ang kanyang mga magulang.
"We'd also like to introduce," ani nang malamyos na boses ng asawa ni Senior. "our beloved sons, Clifford and Axel. I know a lot of you didn't know them well dahil hindi sila lumaki sa Luisiana. Kaya nais ko pong ipakilala sila sa inyo sa gabing ito."
Marami ang napa-hiyaw dahil sa tuwa lalo na ang mga dalaga. Ang iba ay nag-bulungan pa na tila ba pumipili kung sino ang mas kursonada nila.
"Grabe ang hatak ng dalawang iyon, a! Feeling Mr. Luisiana ang peg!" natatawang wika ni Aimee.
"Tingnan mo 'yong mga babae sa harapan, parang mga kiti-kiti. Tingnan mo oh!" ani Sherrie habang pinipilit akong tingnan ang mga tinutukoy nila.
"Hayaan mo sila, Sher. Dyan sila masaya, e." sagot ko.
Pinanlakihan ako ng mata ni Sherrie. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Hayaan?... Ano'ng hayaan ka dyan, Marge!"
"Easy, Sherrie. Kalma lang tayo dito. Si Marge nga walang pangamba, e. 'Yan ang gayahin mo." banat ni Vince.
"Di naman sa nangangamba. Gusto ko lang iparating kay Marge na habang may Axel siya, sagutin na niya. Hindi kasi tayo sure sa mangyayari bukas o sa isang araw."
Sa halip na pag-tuunan ng pansin ang litanya ni Sherrie ay bumaling nalang ako ulit sa harapan. Matatapos na ang pagsa-salita ng mag-asawa. Muling nag-palakpakan ang mga tao nang sabihin ng mag-asawa ang kanya-kanyang plano ng kanilang mga anak. Si Clifford ay muling babalik sa Amerika upang doon mag-tapos samantalang si Axel ay mananatili sa Luisiana at ang napipisil na susunod na mangangasiwa sa lupain ng mga Robles.

BINABASA MO ANG
One More Step
TeenfikceIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...