TO DESERVE HER
Walang awat ang pag-iyak ko hanggang sa makarating kami sa bahay. Naisip ko nang hindi magiging maayos ang kalalabasan ng pag-punta ko roon, pero hindi ko naman inasahan na ganito ka-bigat iyon. Sa kagustuhan kong maging maayos ang pakiki-tungo sa akin ng kanyang ina, mas lalo namang lumala ang lahat.
This time, it's not only about us. Our families are already involved. At hindi ko na alam kung paano pa aayusin ito. O kung maaayos pa ba namin ito.
"What was that?" may pagti-timpi sa boses ni Mama. "Hindi ko akalain na gano'n ang trato sa'yo. Kailan pa, Marge?"
"Mom, please." halos pa-bulong na sabi ko. "Maaayos po iyon."
"Umpisa pa lang ay gano'n na. Paano pa kaya ang mga susunod na araw? You don't deserve that kind of treatment." Aniya habang tinuturo ang labas ng aming bahay.
"We will make it work, Mom. Aayusin po namin ito."
"Paano? Don't tell me magmamakaawa ka kay Bernadette?"
Lumapit si Papa sa kanya. "Don't make it worse, Ameli."
"No, Mario!" bulyaw ni Mama. "Hahayaan mo bang ganyan ang trato sa anak mo?"
"Of course not. Pero kung pwedeng madaan sa maayos na usapan, iyon dapat ang kailangang gawin."
Nagka-salubong ang mga kilay ni Mama. "I can't believe you. Harap-harapan ang pagpapa-hiya sa anak mo, tapos ay ida-daan mo pa sa ganyan? Sila ang maki-usap sa atin. Hindi tayo ang lalapit sa kanila!"
"Ma, calm down. Please." Ani Marcus.
Bumuntong-hininga si Mama. "Hindi kita pinalaki para ipilit ang sarili mo sa pamilyang 'yon. Kung hindi ka gusto, hindi dapat pinipilit. Ayokong nakikita ka, anak, na parang kailangan mo munang patunayan ang sarili mo para tanggapin ka. Hindi dapat gano'n."
May kung ano'ng kumirot sa puso ko. Alam ko naman iyon. Kung hindi gusto, dapat ay hindi na ipilit pa. Hindi ko rin naman hinangad na ganito ang mangyari. Sa una pa lang, alam ko nang hindi niya ako gusto para sa kanyang anak. Maraming beses na akong umiwas dahil ayokong humantong sa ganito. Pero...
Umiling si Mama. "I'm starting to think, Marge, that you left this place years ago para mag-aral sa Manila dahil dito sa problemang ito."
Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Hindi ko inasahan na mauungkat pa iyon dahil matagal na 'yon. Panibagong luha ang naka-takas sa mga mata ko.
"Tama ba ako ng hinala, Margarette?" Pagpa-patuloy niya nang hindi ako nag-salita. "Sumagot ka, Marge."
I bite my lip. I badly want to just deny it. Dahil wala na rin namang magba-bago kahit malaman pa nila.
"Matagal na po 'yon, Ma... Ayoko na pong balikan ang – "
"Totoo nga?" Hindi maka-paniwalang tugon ni Mama. Para bang ngayon lang nasagot ang dati pang gumugulo sa isipan niya. "Kaya ba biglaan ang lahat? Kaya ba sinikap mong kumbinsihin kami ng Papa mo na sa Maynila ka ilipat? Dahil dito, Marge? Dahil dito?"
Maririin ang bawat salitang binibitiwan ni Mama. Batid ko ang pinaghalong galit at awa sa kanyang boses.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko ang namumula niyang mga mata. Sinisikap niyang maging kalmado ang usapan na ito ngunit dahil sa mga nalalaman niya ay hindi na maiwasan ang pag-taas ng kanyang boses.
"Sorry po, Ma..." Sagot ko na halos bulong na lang. I feel so guilty.
Tulala si Mama. Halos lampasan na ang tingin niya sa akin. Ngayon ay awa na ang nakikita ko sa mga mata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/45356155-288-k407678.jpg)
BINABASA MO ANG
One More Step
Novela JuvenilIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...