KAHIT ISANG SALITA
Habang sinusuyod namin ang daanan pauwi ay nanatili ako'ng tahimik. Ganon din si Axel sa tabi ko. Panaka-naka ang pagtatapon niya ng tingin sa akin. Batid ko iyon dahil ilang beses ko din siyang sinilip. May kung ano'ng bukol ang nagbara sa aking lalamunan. Gustuhin ko mang mag-salita ay tila hindi kakayanin ng mga ito ang pag-labas nila.
Lumunok ako at saka tumikhim. Siguro nga ay nagulat siya sa inasal ko kanina. But he managed himself not to argue with me. Aminado ako. May pagkakamali ako kanina. Hindi dapat ganon ang sinabi ko. Hindi ko dapat hinayaan na mangibabaw ang pagka-iritable na naramdaman ko sa kanya.
Habang inaayos ko sa aking utak ang mga salita na nais kong sabihin sa kanya ay napansin ko ang pagdidilim ng paligid. Sumulyap ako sa aking palapulsuhan at nakita na malapit na mag-alas sais y media ng gabi.
Nakikita ko na ang pamilyar na mga bahay. Hudyat na malapit na kami. Muli ko pang sinulyapan si Axel. Nakanguso siya habang ang mga mata ay nanatiling nakatingin sa labas ng bintana.
"Salamat kanina. At sorry na rin." Sabi ko.
Bumuntong-hininga siya at saka tumingin sa akin. Saglit lang iyon at saka muling bumaling sa labas. Umiling siya nang ilang beses. "My fault. Hindi dapat ako naging kumportable sa sitwasyon."
Nakagat ko ang aking labi. Sigurado akong mag-iiwan ng marka ang nangyari kanina. Dala na rin marahil ng mga naging aksyon ko. At ng mga nasabi ko.
Tumigil ang sasakyan sa kanto kung saan ang daan papunta sa bahay. Tumingin sa akin si Axel.
"Ayos ka na ba dito? Or you want me to—"
Umiling ako para maputol ko ang sasabihin pa niya. "Okay na ako dito. It's just too much kung ihahatid mo pa ako sa loob."
Ipinagkibit-balikat niya ang mga sinabi ko. Bahagya pa siyang ngumiti sa akin bago ako tuluyang magpaalam para lumabas sa sasakyan nila.
Diretso ako sa aking kwarto bago ko iwan ang mga pinamili sa salas. Tuwang-tuwa pa si Marcus nang makita niya ang mga iyon. Aniya'y magaling na daw akong pumili ng talagang kailangan niya. Ngunit hindi niya alam na ibang tao ang gumawa no'n para sa kanya.
Kinabukasan ay nakasabay ako kay Papa nang ihatid niya si Marcus sa eskwelahan. Maaga ako'ng natulog kaya naman maaga din ang gising ko.
"Manonood ako mamaya ng contest, Marcus." Sabi ko. "Kaya galingan mo, a!"
"Ayoko naman sumali doon, ate. Kung hindi lang ako tinuro ng teacher, di talaga ako sasali." Sagot niya nang naka-simangot.
Tumawa ako nang malakas para maibsan ang inis niya. Buong akala ko ay maiinis pa siya lalo. Ngunit laking gulat ko nang wala man lang siyang reaksyon sa ginawa ko.
"It's okay. Parte ng pag-aaral 'yan. Tataas ang grades mo kapag nag-join ka sa mga ganyan." Tugon ko pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/45356155-288-k407678.jpg)
BINABASA MO ANG
One More Step
Teen FictionIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...