NO ONE
Na-gising ako dahil sa tawag sa aking cellphone. Sinagot ko iyon kahit wala akong ideya kung sino. Sinilip ko ang orasan sa bedside table ko at nakitang alas otso na ng gabi. Hindi pa ako nakakapag-luto para sa hapunan ko. Kumakalam na rin ang aking sikmura. I slept for five hours. Not bad.
"We're here sa basement. Pa-akyat na rin kami." tumingala ako. It's Aimee.
Hindi ko pa agad na-proseso iyon. Bago pa ako naka-sagot ay nawala na siya sa linya. Bumuntong-hininga ako. Lumabas ako sa salas at naupo muna. Ilang sandali pa ay tumunog na ang door bell. Tamad akong nag-lakad patungo sa pintuan para pag-buksan sila.
"I know you're in that state kaya mas maaga ka naming pinuntahan." sabi ni Elliana. "We bought our dinner."
"Is it mandatory? I thought I made myself clear earlier." busangot ko sabay salampak sa couch.
Tumabi sila sa'kin. Naka-suot ng pulang tight dress si Aimee samantalang si Elliana naman ay naka-itim. Parehong maiiksi ang mga dress na 'yon.
"We just can't leave you here alone." sabi ni Aimee na pinag-taasan pa ako ng kilay.
Sabay na nag-martsa ang dalawa patungong dining area. Naiwan akong mag-isa sa salas habang tinitingnan silang maarte na nagla-lakad sa pamamahay ko.
"Get up, Marge! Mag-dinner muna tayo bago ka mag-ayos." si Aimee na ngayon ay kunot-noo na akong tinitingnan. "Bilisan mo na kasi."
Pumikit ako nang mariin. Talaga bang nangyayari ito? Sasama ako sa kanila kahit medyo labag sa kalooban ko? But they are my friends. Sila ang laging nandyan para damayan ako sa kahit na ano. At katatapos lang ng exams. Maybe it's not that wrong to celebrate, right?
Muling tumunog ang cellphone ko para sa isa pang tawag. Agad ko iyong tiningnan at mabilis na sinagot nang nakitang si Mama ang tumatawag.
"Ma." I sounded cheerful.
"Nag-dinner ka na ba, Marge? Kumusta ang exams, anak?"
Ngumiti ako. "Mag-di-dinner pa lang po, Ma. Hmmm... Maayos po ang exams ko. Tingin ko ay pasado naman." tawa ko. "Nandito po sila Aimee at Elliana."
"Sleepover, Marge?"
"May pupuntahan po kami, Ma. I don't know if they will sleep here after." I said honestly.
Sanay na sila kapag laging nandito si Aimee at Elliana. Kung hindi sila matutulog dito ay lagi namang pa-alis ang pakay. I've been living in this condo unit for more than two years. Ang unang taon ko ay sa kanila Tita Cecilia ko inumpisahan. My parents bought this two-bedroom unit para sa amin ni Marcus. Hinayaan ko na lang sila sa pag-bili dahil magandang investment din naman ito.
"Okay, Marge. Mag-iingat kayo." untag ni Mama at ibinaba ang tawag.
Tulad ng inaasahan ay dumiretso ako sa kusina para kumain. Nag-iisip na ako ng isusuot ko kung sakaling sasama nga ako. Nakaka-konsensya naman kung hindi.
"Maligo ka na't mag-bihis pagkatapos mong kumain, ha, Marge." pagpapa-alala ni Aimee sa'kin. She's so sure that I will party with them. Umirap ako.
"Ano pala ang isusuot mo?" tanong ni Elliana.
"Bakit? Sasama ba ako?"
Nakita ko ang pagalit nilang tingin sa akin. Tila nangha-hamon ng away ang dalawang ito. Tumawa ako nang hindi pa rin nila ako tinitigilan.

BINABASA MO ANG
One More Step
Fiksi RemajaIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...