PLEASE
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Noong gabi ay tumawag pa si Axel para lang tanungin kung nakakain ba ako nang maayos. Sa katunayan ay nakaramdam ako ng tila mainit na humahaplos sa aking puso. Para itong nakatagpo ng kakaibang damdamin na noon ko lang naramdaman. Masyado kasing bago sa akin ang lahat. Masyado niya akong iniingatan sa bawat minuto na magkasama kaming dalawa.
"Marge, sasabay ka ba? Maaga si Marcus ngayon dahil naka-assign siya sa ceremony ngayong umaga." Bungad sa akin ni Mama habang umuupo ako sa hapag.
Umiling ako. "Hindi po, Ma. Susunduin ako ni Axel. Sabay na kami nila Sherrie pag-pasok."
"O siya, sige. Pauunahin ko na ang mga Papa mo." Aniya at saka sumibad palabas ng bahay.
Tapos na akong kumain nang dumating si Axel. Si Mama ay nakapasok na uit sa bahay at saka dumiretso sa kusina. Naghihintay na lang ako sa sala nang madatnan niya ako. Hindi ako kinakabahan kung mahuhuli ba ako sa klase o ano. Batid ko naman kasi na hindi iyon pahihintulutan ni Axel. Tulad nga ng lagi kong sinasabi, responsable siyang tao.
Lumabas si Mama mula sa kusina. Hindi na siya nagulat dahil normal lang naman ang lahat ng ito.
"Good morning po, Tita. Isasabay ko na po si Marge sa school." Magalang na bati niya.
Nakita ko ang pag-tango ni Mama. "Mabuti pa nga Axel. Baka ma-late pa siya. Mahirap pa naman sumakay dito. Madalang ang tricycle."
Dinampot ko ang aking bag at saka nag-mano kay Mama. "Alis na po kami." Paalam ko sa kanya.
Tumango siya at saka kami pinakawalan. Hindi ko masabi kung may alam ba si Mama at Papa sa nangyayari sa amin ni Axel. Hindi kasi sila mahigpit sa paghatid-sundo niya sa akin. Hindi rin naman sila nag-tatanong kung bakit laging ganito. At ayos nga iyon. Kung sakali man na mag-tanong sila ay wala rin naman akong maisasagot. Kaya ayos na ito. Ayos lang ito sa akin.
Saktong paglabas namin ay nag-hihintay na si Sherrie sa gilid ng sasakyan. Malapad ang kanyang ngiti nang makita niya kami na papalapit doon.
"Good morning!" Masayang bati niya. "Ganda ng araw!"
Ngumuso ako. Sa tagal ng panahon na magkakilala kami, alam kong nang-aasar lang siya ngayon. Sigurado akong ang tinutukoy niya ay kaming dalawa ni Axel.
Mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan nang buksan iyon ni Axel. Sumunod sa akin si Sherrie.
"Ano'ng oras ka na nakauwi kahapon?" Tanong ko sa aking kaibigan.
"Siguro ay alas sais iyon. Hindi ko matagalan ang mga ka-grupo ko. Mas madami pa ang kwento kaysa doon sa ginagawa." Iritable niyang sagot.
"Ha? Bakit 'di ka sumabay sa amin. Nandoon lang kami ni Aimee sa library. Ang aga mo pala umuwi."
BINABASA MO ANG
One More Step
Fiksi RemajaIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...