HINDI NA
That night was chaotic. Pagkatapos ng mahabang pag-uusap ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Si Aimee at Elliana ay natulog sa bahay. Samantalang si Sherrie ay umuwi sa kanila. Ang mga kaibigang lalaki naman ay hinintay si Axel bago tumulak pauwi.
Napagod ako sa pag-iyak kaya naman mabilis din akong naka-tulog. Kinabukasan ay halos hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa sobrang hapdi nito. I swear, wala ata akong ibang ginawa kung 'di ang umiyak.
Naabutan ko si Aimee at Elliana na nagliligpit ng hinigaan nila. Tahimik lang nila akong pinanood nang bumangon ako. Walang may gustong mag-salita.
"Morning." Bati ko sa kanila.
Tipid silang ngumiti. Kahit ako ay hindi ko nagustuhan ang mood ngayong araw na ito. Parang dala-dala ko pa rin ang klima mula sa kahapon. Parang ang kulimlim ng lahat. Kahit lampasan na ang sinag ng araw sa bintana ko, pakiramdam ko ay hindi sapat iyon para magpa-tuloy sa araw na ito.
"Tuloy ba tayo sa San Pablo?" Tanong ni Elliana habang sinusukat ako ng mga tingin niya. "Okay lang naman sa 'kin kahit hindi. Mag-pahinga ka na lang muna, Marge. Napagod ka kagabi, alam ko."
"Tutuloy tayo." Tipid na sagot ko.
"Come on, Marge." Si Aimee. "Ayos lang kahit sa sunod na araw na. Mag-pahinga na lang muna tayo ngayon. Sasabihan ko ang mga boys na next time na lang."
It's still nine in the morning. We still have time to decide if we will go there or not. Tiningnan ko si Elliana at naalala ang kagustuhan niyang maka-pasyal dito.
Pumikit ako nang mariin. I have to find a way for her. Ayaw ko naman na masayang ang pag-punta niya rito.
"Kain muna tayo. Doon na natin pag-usapan."
Naabutan namin si Mama na nagha-handa ng umagahan. After what happened last night, I don't know how I should approach her right now. I feel weird and guilty. Sa huli ay humalik ako sa kanyang pisngi. Ganon din ang ginawa ng mga kaibigan ko.
Isa-isa kaming umupo, tila nangangapa ng mga sasabihin. Nabasag lang ang katahimikan nang dinaluhan kami ni Papa at Marcus sa hapag.
"Good morning po." Nahihiyang bati ni Elliana.
Nawala ang bigat sa pakiramdam ko nang tinanong ako nila Mama kung may lakad ba kami ngayong araw. Ang sabi ko ay may plano kaming pumunta sa San Pablo. Ngunit agad na sumalida si Elliana. Aniya ay magpa-pahinga lang kami ngayon.
"Pwede namang sumaglit doon." Ulit ko.
Kung hindi ako lalabas ngayon, ano na lang ang gagawin ko rito? Mag-kukulong sa kwarto? Hanggang takasan ako ng bait?
"Whatever suits you best, Marge." Elliana said sincerely.
Tumango ako at hindi na nag-salita pa. Marahil ay pinapakiramdaman pa ako ni Mama at Papa. Si Marcus ay gano'n din ang ginagawa. Kumakain pero sumusulyap din sa akin kalaunan.
Narinig ko ang pag-tikhim ni Mama. "Dumaan dito si Axel. Mga alas-otso siguro iyon."
Nanlaki ang mga mata ko. Kanina bago ako bumangon ay sinilip ko muna ang aking cellphone kung may mensahe ba o tawag mula sa kanya. Pero wala naman kaya inisip ko na tulog pa siya hanggang sa mga oras na ito. But he's a morning person. Marahil sa pagod kahapon kaya hindi na rin ako nag-taka kung bakit gano'n.
"Umalis din po agad?" Tanong ko. "Dapat po ginising nyo ako."
"Mga kalahating oras siguro na nag-hintay." Si Papa. "Sabi ko ay kakatukin ka sa kwarto. Ayaw naman at baka maistorbo ang tulog mo. Babalik na lang daw mamaya."

BINABASA MO ANG
One More Step
Teen FictionIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...