IF IT'S A WAR
Patuloy ang pag-iyak ko habang yakap-yakap ako ni Axel. Magulo ang pag-iisip ko dahil sa mga pangyayari. Tulad ng sinabi niya, kailangan kong mag-tiwala sa kanya.
Itataya ko ba ulit? Minsan nang nawasak iyon. Kung sa pangalawang pagkakataon ay gano'n pa rin ang mangyari, kakayanin ko ba? Kaya ko pa ba?
Magba-baka sakali na naman ba ako? Ano ang kapalit ng lahat ng ito? Would I be happy then? O mas mahabang panahon ng pighati?
Unti-unti ay napa-hikbi ako. Natakpan ko ng aking mga palad ang aking mukha. Hindi ko napigilan ang lalong mapa-iyak.
Ang sakit! Hindi ko maisip ang maaring mangyari sa oras na ibalik namin ang dati. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Natatakot ako para sa kanya. Para sa lahat ng magagandang bagay na meron siya ngayon.
Kaya ba niya akong ipaglaban hanggang sa dulo?
Natatakot ako para sa aking sarili. Natatakot ako, na baka sa pagkakataong ito, ako naman ang iwanan. Ako naman ang saktan. Baka ako naman ang bitiwan.
"Axel, please..." iyak ko. Kumalas ako mula sa yakap niya. "For your own sake, 'wag na nating ipilit pa."
Nang tingnan ko siya ay mapupula na ang kanyang mga mata. His jaw tightened. I saw rage in his eyes.
Umiwas ako ng tingin. Nasakop pa ng palad ko ang aking bibig. I am crying in silent. My pain is something that I cannot bear and it feels like the first heartbreak.
There is storm within me. Chaos is my only companion this time. Hindi malinaw sa akin ang susunod na hakbang.
Hinigit ako ni Axel pabalik sa kanya. Niyakap niya ako nang sobrang higpit. Na para bang mawawala ako sa oras na pakawalan niya ako.
Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. May maliliit na kirot akong naramdaman sa puso ko. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin pagkatapos ay magiliw niyang dinampian ng halik ang aking noo.
"Please... choose me this time, Marge." He said with croaked voice. "Please choose me over your anxieties. Choose me over what scares you. Please, baby... take me this time."
Doon ay kusa ko siyang niyakap nang mahigpit. Sinubukan niyang pakalmahin ako kahit ang hirap pigilan ng pag-hikbi ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. May munting kirot sa puso ko. Minsan ay nakakaramdam ito ng saya. Tila magdidiwang ngunit sa huli ay malulumbay din naman.
Muli ay lumapat ang kanyang labi sa aking buhok. "Mas piliin mo ako kaysa sa mga takot mo, kaysa sa mga pangamba mo, kaysa sa mga duda mo. I promise, Marge, pipiliin kita araw-araw. Hindi kita susukuan."
Those words from him are more like daggers. Napagtanto kong ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Pwede ko siyang piliin noon. Pwede kong ipilit ang sa amin. Kahit malinaw sa akin na hindi ako gusto ng magulang niya para sa kanya, ang importante ay nagkakaintindihan kami ni Axel.

BINABASA MO ANG
One More Step
TienerfictieIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...