OMS 34

161 3 1
                                    


TRUST


"Ano'ng nangyari, Marge?" si Elliana. "Sinusundan tayo."


Hinawakan ni Sherrie ang kamay ko. Nilingon ko siya at saka ginantihan ng isang pilit na ngiti. Ibinaling ko ang aking paningin sa labas ng bintana habang patuloy sa pag-andar ang sasakyan.


Naiinis ako. Bakit ganito ang pakiramdam ko? At bakit gano'n ang naging reaksyon ko sa kanya sa restaurant na iyon? I looked like a jealous girlfriend who caught her boyfriend cheating with other woman. Na hindi na kailangan ng paliwanag dahil huling huli naman ang kataksilan.


"Nagka-sagutan ba kayo?" tanong ni Sherrie.


Umiling ako. "Hindi naman."


Tumikhim si Aimee sa driver's seat. Nakakalokong ngiti ang iginawad niya sa akin nang mag-tama ang tingin namin sa rear view mirror. Umirap ako sa kawalan, pabagsak na isinandal ang ulo sa headrest ng backseat.


"I smell something... not so fishy." sarkastikong wika ni Aimee.


"Oh shut up, Aimee." pabiro kong sabi.


Nag-usap sila kung ano ang posibleng naging dahilan kung bakit mas pinili kong umuwi na lang muna kaysa manatili roon. Ayaw ko lang na habang nandoon kami ay naroon din sila. Lalo na kung nakikita ko silang mag-kasama ulit, nasa iisang mesa. Kahit pa sabihing hindi lang naman silang dalawa ang mag-kasama, hindi ko pa rin masisikmura. Parang hindi ko matatanggap iyon kahit kailan.


"Nag-selos ka, Marge?" tanong ni Elliana. "I mean, nagse-selos ka? Kaya tayo umalis?"


Namilog ang mata ko sa tanong niya na iyon. Binalingan ko si Sherrie sa aking tabi na ngayon ay pinag-taasan lang ako ng kilay. Sumungaw naman ang ngiti sa labi ni Aimee habang patuloy pa rin sa pagmamani-obra ng kanyang sasakyan.


"It's okay, Marge. You can tell us about it. We won't judge you." dugtong pa ni Elliana.


Nasapo ko ang aking noo. Hindi makapaniwala sa iniisip ng mga kaibigan. How come they came up with that conclusion? Ni hindi ko nga napangalanan ang sariling damdamin, sila pa kaya?


"Hindi nga, Marge? You jealous?!" tawa ni Sherrie.


"I'm not." depensa ko. "Bakit ako magse-selos? I just... naiinis lang ako. Bakit hanggang ngayon, mag-kasama pa rin sila? I don't get it."


Pabagsak kong isinara ang pinto ng sasakyan nang makarating kami sa basement parking. Diretso ang lakad ko patungong elevator habang naka-sunod sa akin ang tatlong kaibigan.


"Alam naman natin kung bakit laging sumasama si Frezzah sa kanila. May gusto kay Axel, e." diretsahang sabi ni Aimee. "Pero hindi sila, Marge. At hindi naging sila."


Suminghap si Elliana. "Does it mean three years na siyang nagha-habol kay Axel? Matindi rin, ha. Kung ako 'yon, di bale na lang. Marami namang lalake sa mundo."

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon