OMS 13

605 16 1
                                    

IMPOSIBLE


Bahagya ako'ng tumawa dahil sa tinuran niya. Ilang beses din ako'ng napailing. Hindi ko lubos maisip na sa ilang linggo pa lang na magkakilala kami ay ganon na ang naging impression niya sa akin.


Mataman ko lang siyang tiningnan. Nakataas ang kanyang kilay at halata ang pagpipigil ng ngiti. Sumimangot ako dahilan para maging seryoso ang aura niya.


"I'm not reserved, Axel. Mali iyang iniisip mo." Sagot ko.


"Really? Parang hindi. It's like you're setting some boundaries. Some lines I couldn't even cross."


Umiling ako at saka ngumiti sa gawi niya. "Nagkakamali ka lang. Hindi naman ako ganon."


"Hindi ako naniniwala. Iba ang pinapakita mo." Aniya.


Napangiwi ako. "Hindi talaga ganun, Axel. You don't know me too much yet. Kaya mo siguro nasasabi."


"If you say so, then." Tugon niya. "I want to know you more."


"What?" Manghang tanong ko. Kahit alam ko ang ibig sabihin ng kanyang sinabi ay hindi ko dapat bigyan iyon ng kulay.


Ipinagkibit-balikat lang niya ang naging tugon ko. Tahimik lang siya hanggang sa makabalik kami sa salas. Si Aimee at Sherrie ay abala pa rin sa panonood ng kung ano. Pagdating talaga sa mga ganitong bagay ay mas nagkakasundo silang dalawa.


Ilang sandali pa ay may pick up na tumigil sa harap mismo ng bahay. Kunot ang aking noo nang tumayo ako.


"Sa inyo ba iyon?" Baling ko kay Axel.


Tumayo na rin si Axel para tingnan ang sasakyan na ngayon ay patuloy pa rin sa pagma-maniobra.


"Nope. Kina Leo iyan." Aniya.


"Oh? Baka sinusundo ka na?" Tanong ko.


Umiling siya. "Ano ako chicks? Kailangan sunduin? Come on, Marge!" Halakhak niya.


His dimple is showing up again. I find him hot in every circumstance like this.


Napa-halakhak na rin ako nang mapagtanto na mali nga iyong nasabi ko. "I'm just asking kung susunduin ka ba niya. I meant nothing about that."


Nakita ko ang pagbaba ni Leo mula sa pick-up. Kinausap pa niya ang driver non at saka tumango nang ilang beses.


"That's gay, you know." Tugon niya sa akin habang nakangisi.


Humilig siya sa hamba ng pintuan. Humalukipkip siya doon habang hinihintay ang pagpasok ni Leo sa loob ng bahay.


One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon